Tuesday, November 21, 2006

esmyuskee

natatandaan niyo pa ba 'yung palabas dati sa channel 2 tuwing 4:30pm? 'yung "ang tv"? classic 'yun. may portion sila doon na pinamagatang "esmyuskee". nagbabatuhan sila ng mga corny jokes for their own amusements. eto, balikan natin ang "ang tv". but this time. mas corny 'yung mga jokes. ang tamaan, may hidden agenda.

esmyuskee, esmyuskee, pede bang makidaan
esmyuskee, esmyuskee, at baka may masagasaan
mayroon akong nalalaman, sana ay pagbigyan
kun'di man kayo matawa, sana'y ngumiti ka na lang

officemate1: esmyuskee, pare.
officemate2: your esmyus.
officemate1: may goodnews at badnews ako sa'yo.
officemate2: talaga? ano muna 'yung good news?
officemate1: 'yung good news, may 30,000 tayong christmas gift!
officemate2: talaga?! ang saya nun. eh, ano naman 'yung bad news?
officemate1: lahat 'yung 30,000 eh gift cheque.
officemate2: nyeee!!!!

rica : esmyuskee, teller.
teller: your esmyus.
rica : magdedeposito sana ako ng 30,000.
teller: ay sige po. cash po ba o check?
rica : gift cheque.
teller: nyeee!!!!

anak : esmyuskee, tatay.
tatay: your esmyus.
anak : 'tay, may sakit si kuya, dalhin natin sa ospital.
tatay: hindi pwede anak. gift cheque ang bonus ko eh. hindi tinatanggap sa ospital. ipasyal mo na lang sa sm ang kuya mo.
anak : nyeee!!!!

esmyuskee, esmyuskee, pede bang makidaan
esmyuskee, esmyuskee, at baka may masagasaan
mayroon akong nalalaman, sana ay pagbigyan
kun'di man kayo matawa, sana'y ngumiti ka na lang


anak : esmyuske, tatay.
tatay: your esmyus, anak.
anak : tatay, saan ko po ba pede gamitin itong gift cheque na regalo ni ninong.
tatay: maglaro kayo ng monopoly, gamitin niyong play money.
anak : nyeee!!!!

mare1: esmyuskee, mare.
mare2: your esmyus, mare.
mare1: mukhang big time ah. bago mga appliances mo at marami kang handa ngayong pasko.
mare2: namili na kasi ng gamit at pagkain dahil nakuha na ni pare mo ang 13th month at anniversary bonus niya. 'yung grocery allowance niya naman ang ipambabayad namin ng mga utang.
mare1: ah, ok. budget na budge na pala ang pera ninyo.
mare2: oo naman. o, andiyan na pala si pare.
pare2: hu-hu-hu.
mare1: o pare, bakit ka umiiyak?
pare2: 'yung grocery allowance kasi namin, na dapat eh pambayad ng utang - gift cheque!!! waaahhhhh!!!!
mare2: nyeee!!!!

anak : esmyuskee, nanay.
nanay: your esmus, anak.
anak : nay, bigyan mo nga ako ng sentence na analogous sa sentence na ito: "ang sabi ng boss sa empleyado, 'ano ang gusto mo, 30,000 pero gift cheque? o cash pero 15,000 lang?'"
nanay: parang ganito 'yan, anak: "ang sabi ng rapist sa babae, 'buhay? o puri?'"
anak : nyeee!!!!

esmyuskee, esmyuskee, pede bang makidaan
esmyuskee, esmyuskee, at baka may masagasaan
mayroon akong nalalaman, sana ay pagbigyan
kun'di man kayo matawa, sana'y ngumiti ka na lang


anak : esmyuskee, nanay.
nanay: your esmus, anak.
anak : nay, bigyan mo nga ako ng quotation na analogous sa seryosong sentence na ito: "kung ayaw mo ng gift cheque, ibigay mo sa akin."
nanay: parang ganito 'yan, anak: "what's mine, is mine. what's yours, is mine, too."
anak : nyeee!!!!

bossing : esmyuskee.
secretary: your esmyus.
bossing : 'yung mga empleyado natin maraming bayaring utang. 'yung iba, nagbabalak kumuha ng bahay next year. 'yung iba nagbabalak mag-invest sa business. 'yung iba balak mag-impok sa bangko. ano kaya magandang gawin ko para mapasaya sila?
secretary: i-send niyo ito sa e-mail nila, "management has thought it best for the employees to grant this year's christmas gift in the form of non-taxable sodexho premium pass (gift checks) equivalent to thiry thousand pesos (p30,000.00). sasaya silang lahat, tiyak.
bossing : nyeee!!!!

ate : pedring! pedring!
pedring: yis, ate.
ate : esmyuskee, pedring.
pedring: your esmyuks.
ate : pedring, kung talagang inisip ng management na best para sa mga empleyado ang gift cheque kesa pera, bakit nanatili pa din silang matigas kahit na nagpetisyon na ang karamihan sa empleyado at pinarating na sa kanila ang alam nilang totoong the best para sa mga empleyado?
pedring: ay sus ate. patawarin mo na sila, at hindi nila alam ang kanilang ginagawa. uki ba?
ate : nyeee!!!!

esmyuskee, esmyuskee, pede bang makidaan
esmyuskee, esmyuskee, at baka may masagasaan
mayroon akong nalalaman, sana ay pagbigyan
kun'di man kayo matawa, sana'y ngumiti ka na lang


esmyuskee, esmyuskee... esmyuskee, your esmyus!

tandaan, kapag ang "grocery allowance" ay pinalitan mo ng title na "christmas gift", pede mo na sabihin na
"it's a gift, you can either accept it or refuse it..."
merry christmas sa inyong lahat na bumuo nang successful na plano na ito. sana'y maalala ko pa din kayo, kahit kayo'y matanda na. kahit kayo'y nasa isang sulok na lang ng inyong mga bahay-bahay..
..at nagbibilang ng gift cheque...
tenkyu, tenkyu, ambabait ninyo, tenkyu.
pasensiya at pangit at corny itong bago kong post na blog. bullshit begets bullshit kasi eh.

Wednesday, September 27, 2006

mangga, dahon, sanga, ibon at langgam

maraming tao ang hindi kayang hawakan ang kalayaan. binabalewala nila ito o minsan ay pinagpapalit sa sitwasyong mahirap hawakan. sabagay, sino ba ang kayang manatili sa isang lugar kung ikaw ay bata pa, mapusok at malakas uminom ng kape? maraming desisyon ang dadaan sa iyong palad at ilan lang dito ang pwede mong kunin.

umaga. wala pa ang mga langgam sa puno. nakaakyat ka ng maayos sa puno ng mangga. nakakain ka ng maraming bunga. patamis ng patamis ang nakakain mong mangga. nakapagpahinga ka sa mga sanga at nalimliman ka ng mga dahon sa init ng araw. may mga naninita at nagpapababa sa'yo sa puno pero hindi mo pinapansin. nandoon na ang lahat sa puno. marami kang pedeng gawin at makain sa taas. nakakadinig ka pa ng awit mula sa mga ibon na nandoon din sa puno. pero 'di nagtagal, nagsawa ka sa kalayaang natatamo mo sa puno. nakakita ka ng puno na mas maraming sanga. inakyat mo. walang pinag-iba ang sarap ng mangga. malilim pa din ang puno. pero ang mga sanga, kahit matataas eh dikit-dikit at nakakahadlang sa bawat kilos mo. hindi ka makapagpahinga ng maayos. at walang huni ng mga ibon. tahimik. kung hindi ka bumaba sa puno at lumipat, baka nagsawa din ang mga naninita sa'yo. baka mas tumamis pa ang mga bunga ng puno. baka mas tumibay pa ang mga sanga. at masabayan mo pa ang awit ng mga ibon. pero maaari din namang hindi na. baka ang bagong puno ay lumuwag din ang mga sanga at makapagpahinga ka na. baka lumipat din ang mga ibon doon at sila'y mag-awitan. pero maaari din namang hindi na.

tanghali. hindi ka makaakyat sa puno ng mangga para makapitas ng mas maraming bunga, makapagpahinga sa mga sanga, at lumimlim sa mga dahon nito dahil may mga langgam na kinakagat ka sa tuwing lalapit ka dito. makakakita ka ng isa pang puno ng mangga na walang langgam sa paligid. kaya iiwan mo ang naunang puno para puntahan ang bagong puno ng mangga. nakaakyat ka agad dito at nakakuha ka ng mas maraming mangga pero hindi ka makapagpahinga at manatili sa mga sanga sapagkat ito'y marami at dikit-dikit at nakahadlang sa bawat nais mong tigilan at pagpahingahan habang kumakain ng mangga. kakaunti din ang dahon na naririto kaya wala kang mapaglimliman. sa naunang puno, layu-layo ang sanga. makakakilos ka sana ng malaya. maiisip mo tuloy na sana eh tiniis mo na lang ang kagat ng langgam at inakyat na lang ang naunang puno. makakakain ka din naman doon ng mangga. makakapagpahinga at malilimliman pa. pero maaari din namang hindi na. baka mas lumaki pa ang langgam na hindi mo na makayanan ang kagat at mahihirapan ka nang tapakan. baka manatiling hadlang pa din ang mga sanga. pero maaari din namang hindi na.

gabi. maraming tao ang nasa taas ng puno ng mangga. yung iba, mas nakakakain ng marami. yung iba mas nakakapagpahinga sa mga sangang napuntahan nila. 'yung iba eh presko pa dahil sa lilim ng mga dahon ng puno. pero, isa-isa, unti-unti, lahat eh nag-asam bumaba para lumipat ng ibang puno. may langgam man, may naninita man, wala mang gaanong bunga o mas marami ang bunga, dikit-dikit o layu-layo man ang sanga, marami o kakaunti man ang dahon, basta makababa lamang sa puno. maaaring 'yung iba ay swertehin sa bagong puno na kanilang aakyatan. maaaring malasin din ang iba at mas mawalan. ang mahalaga, nagawa nila ang nais nilang ipahayag. malayang desisyon. hindi kami takot sa langgam. mas gusto namin ang mas maraming bunga na puno. kulang pa ang kalayaang hatid ng mga sanga. nais naming lumilim sa iba pang mga dahon. sana nga ganoon ang mangyari sa lahat. pero maaari din namang hindi na. baka mag-antay ka na lang sa paglago pa ng bunga, pagluwag ng sanga, at pagdami ng dahon. pero maaari din namang hindi na. baka doon ka na manatili hanggang sa ito'y tuluyan ng maubusan ng bunga. pero maaari din namang hindi na.

tama naman talaga ang nagagawa nating mga desisyon sa buhay. desisyon mo 'yun eh. tama dapat 'yun para sa iyo. mali man sa iba. lamang, hindi natin alam kung hanggang kailan ba ito magiging tama. kung sa umpisa pa man eh mali na, hindi ka nagdesisyon noon. hinayaan mong ang sitwasyon ang magdesisyon para sa'yo.

maraming tao ang hindi kayang hawakan ang kalayaan. binabalewala nila ito o minsan ay pinagpapalit sa sitwasyong mahirap hawakan. sabagay, sino ba ang kayang manatili sa isang lugar kung ikaw ay bata pa, mapusok at malakas uminom ng kape? maraming desisyon ang dadaan sa iyong palad at ilan lang dito ang pwede mong kunin. pero bata ka pa naman. matagal pang magiging mapusok. at marami pang magdadaang kape. marami pang dadaang pagkakataon para magdesisyon. pero maaari din namang hindi na.

Tuesday, September 26, 2006

empty nest

nakaupo. nakatulala sa computer mo. naisip mo na ba kung ilang inches ang monitor mo? o malinaw ba siya o masakit sa mata?

natutulog. nakayuko sa may cubicle mo. kung minsa'y nakasandal sa bangko mo at nakatakip ng panyo. tumutulo ba ang laway ko? nakanganga ba ako? naghihilik ba ako?

nakatunganga. naghihintay ng uwian. tingin ng tingin sa orasan. nagta-type sa keyboard ng wala lang. ilang minuto pa ba? ilang oras na ba akong ganito?

kumakain. may gana man o wala. may kasabay man o mag-isa. nai-order kaya ako? ilang rice ba ang kaya ko?

nagyoyosi. pampababa ng kinain. pang reset ng utak. iisa pa ba ako? sino ba ang may candy diyan?

nag-iisip. ng maiisip. kadalasan wala. kadalasan malabo. ano nga pala iniisip ko? bakit ko nga ba naisip 'yon?

tahimik. panis na ang laway. walang makausap. walang kumakausap. ilang words na ba ang nabanggit ko ngayong araw? ilang oras na ba nung huli kong marinig ang tinig mo?

nag-aantay. ng makakalaro habang walang ginagawa. hindi naman araw-araw pasko. matatalo din kita. may second round pa ba? random ba? may bagong recruit ba?

nagtetext. habang unlimited. lakas mo. na-send ko na ba ito? dapat ko bang i-send pa ito?

nalilito. hindi alam kung saan mag-uumpisa o kung paano tatapusin. wala ng kinalalaman ang dati mong mga natutunan. susuko ka na ba? o mukhang kakayanin naman?

nagugutom. marahil sa karamihan o sa kawalan ng ginagawa. hindi na tulad ng dati na kakain ka kung kailan mo gusto. ngayon ka lang ba nagutom dahil sa matinding pag-iisip? o nagpapataba ka lang talaga?

feeling worthless. noon man o ngayon. dati, marami kang ginagawa, nagrereklamo ka. dati wala kang ginagawa, nagrereklamo ka. ngayon, wala kang ginagawa eh nagrereklamo ka na? ngayon, ang dami mong ginagawa eh nagrereklamo ka din?

maya maya, mapapansin mo na lamang na may tumutulo ng dugo sa iyong tenga. dapat ng tumigil. uuwi na ba? maglalaro ba? o kakain muna?

nag-uusap. ng kung anu-ano. ano ba ang magandang gawin ngayon? tara nga at tumambay muna tayo sa vendo ng makapag-usap at makapag-kape.

finally, someone was talking sense.

Monday, September 25, 2006

destination anywhere

sampung magkakasunod na taon din akong naglakad mula monumento hanggang sa grotto sa laguna tuwing mahal na araw. kasama ang mga kabarkada noong kolehiyo at ilang nauto naming sumabay. kasabay din namin ang marami pang naniniwala sa ganitong tradisyon at panata, mga walang magawa sa bahay kaya naisipang pumunta, at ilang mga nais magsamantala sa sitwasyon.

ganunpaman, isang hakbang lang ang kinailangan upang sabay-sabay naming lahat tunguin ang isang bahagi ng aming napiling destinasyon. hindi mahalaga kung bakit. hindi din mahalaga kung gaano ka-corny, gaano kahirap at gaano kalayo. ang mahalaga eh kung paano kami nakarating. 'yun 'yon eh.

sampung taon. nagkikita-kita kami sa nakagawiang tagpuan. puno ng pananabik na magkita-kita muli. maraming naipong kuwento. maraming baong tubig at pagkain. maraming bago. maraming nagbago. maraming binago. maraming paraan para magawa lahat ito nang hindi na paghihirapan pa. pero, masarap lumakad kapag may mga kasama ka na handang sumabay lakadin ang daang hinahangad lakbayin. kasama ng pawis at sakit ng katawan ang ngiti at ala-ala. pero ayos lang sa'tin 'yon.

maraming bago. maraming nagbago. maraming binago. ganun ko mailalarawan ang sampung taong ito. dagdag pa ang dalawang taong nagdaan na hindi na kami naglakad pang muli. ewan ko kung bakit. maraming dahilan. iba-iba kami ng dahilan. basta huminto ang pangarap na muling tahakin ang daan patungo sa destinasyong minsanang nagpapasaya sa amin.

minsan maiisip mo, sino nga ba ang lumiko, tumalikod at lumayo sa daang ating tinatahak? tayo ba ay umiwas habang ang daan eh patuloy na umusad na hindi tayo kasama? naligaw ba ang daan? nahirapan ba tayong lakadin ang ating napagkasunduang daan patungo sa lugar na atin ding napagkasunduan? bakit tayo umalis sa daang minsan nating tinahak para magsaya at magkakilala ng higit pa?

maaari din sigurong walang nagbago sa atin at sa halip ay ang panahon at daang tinahak ang nagbago. marahil iyon ang naging problema. nawala natin ang daan, lahat tayo, nung wala tayo para makita ang paglalakad ng isa't isa. nung hindi na tayo nagkakabanggaan para magkamustahan man lamang.

baka lahat tayo'y naglakad sa iisang malaking daan ngunit kanya-kanyang eskinita. may pumili ng malayong daan. may nag-shortcut. may huminto at nagpahinga. may naghanap ng bagong makakasama. may napagod. may naiwan. marahil wala naman sigurong daan talaga kung hindi ang buhay-buhay lang natin at ang maling paniniwala na tayo'y kumikilos patungo sa isang destinasyon ng sabay-sabay, sama-sama. pero hindi na pala.

paikut-ikot tayo. paikut-ikot palayo sa isa't isa. maaaring nararating pa din natin ang inaasama na destinasyon ngunit natandaan ba natin kung paano tayo nakarating? makakabalik pa ba tayo? minsan, kung patuloy tayong naglalakad at kumikilos, akala natin eh umiiwas tayo palayo sa isa't isa. hindi na ba natin kayang sumulong at lumakad patungo sa iisang destinasyon?

Thursday, August 17, 2006

my yahoo

eating chocolates sa crib
birthday party sa jollibee




Wednesday, August 16, 2006

the three question personality test

your personality is

guardian (sj)


you are sensible, down to earth, and goal oriented.
bottom line, you are good at playing by the rules.

you tend to be dominant - and you are a natural leader.
you are interested in rules and order. morals are important to you.

a hard worker, you give your all at whatever you do.
you're very serious, and people often tell you to lighten up.

in love, you tend to take things carefully and slowly.

at work, you are suited to almost any career - but you excel in leadership positions.

with others, you tend to be polite and formal.

as far as looks go, you are traditionally attractive. you take good care of yourself.

on weekends, you tend to like to do organized activities. in fact, you often organize them!

turning japanese

your japanese name is...

takumi shigenoi

may hidden talent pala ako

your hidden talent

you have the power to persuade and influence others.
you're the type of person who can turn a whole room around.
the potential for great leadership is there, as long as you don't abuse it.
always remember, you have a lot more power over people than you might think!

what 2004 hit song are you?



100 years by five for fighting





"every day's a new day...
15 there's still time for you
time to buy and time to choose
hey 15, there's never a wish better than this
when you only got 100 years to live"

2004 was about thinking and reflecting - but isn't every year?



last word

your famous last words will be:

"i dunno, press the button and find out."

coffee, anyone?

you are an espresso

at your best, you are: straight shooting, ambitious, and energetic

at your worst, you are: anxious and high strung

you drink coffee when: anytime you're not sleeping

your caffeine addiction level: high

Friday, July 28, 2006

the flight and the plight



this literature is fictional, and any resemblances to real life people or events are purely accidental.

after some thought i finally am able to introduce the corporation. an institution that had a promising period, where she was almost able to buy a part of corporation IBN, a period of difficulties, a period of silence, and now a period of uncertainty.

the corporation’s economics 101 – “the lesser the supply, the greater the demand, the cheaper the supply”.

how come they have always taught us in college that the lesser the goods and the demand for those goods becomes greater, the goods become more expensive? crap.

let me explain how the corporation handles this phenomenon in two ways.

first. as modern IT shifts to higher grounds, nobody wants to play the old-school programming anymore, say DOS languages. but the shift doesn’t happen overnight, so there are still needs for these heroic and few (especially) classic players in the field. and since there are only a few left, and a multitude of income-generating projects to be maintained, you’d expect college economics as noted above would come to their rescue. wrong! the few classic players left to do the dirty work, the fast-becoming extinct supplies, or goods, do not, i repeat, do not, become expensive. but hey, at least, on the other hand, the corporation gives credit to her newly acquired techno-savvies who get one, or maybe two projects, which more or less get shelved.

second. the difficult times the corporation has gone through bore its fair share of casualties. and this takes us deeper into the flight and the plight incident. i may have lost count already, but i am sure the number of people leaving the corporation is still growing, and sometimes those who are left to take on the plight simply hope that the flight of her employees would just end, not because of the continuous deductions every payday for the despedida contributions, but for reasons more serious. whenever an employee walks out, his/her responsibilities or project scope are distributed to the remaining staff, again with the joint medication of the corporation’s economics 101 – the greater demand (workload) for the lesser supplies (employees), the cheaper the supplies (no increase or extra benefit for the additional responsibilities). now imagine a scenario of continuous flight, and one can tell the scenario of the worsening plight. no wonder they keep on filing their resignations. but hey, maybe the corporation would claim that every person leaving had been provided a replacement… i don’t think so, the corporation’s mortality rate outscores her birth rate, by a multiple of… shoot me.

“the corporation is not bad, an entity is just as good as those who pull her strings”

to the flight ones, good luck and let the world know how good the corporation’s products are.

to the plight ones, an excerpt from desiderata“with all its sham, drudgery, and broken dreams, it’s still a beautiful world. be careful, strive to be happy.”


~ the faithful

Tuesday, July 18, 2006

forwarded message

(akda ni misis)
malaki ang naging bahagi ng cellphone sa buhay ko. may masasaya, may malungkot, nakakatawa at nakakainis. college ako ng unang mauso ang cellphone. analog pa noon at napakalaki ng cp. mayayaman pa lang ang kayang bumili nito dahil sa sobrang taas ng presyo. dahil sadyang mabilis ang pag-angat ng teknolohiya, nauso na ang cellphone with texting. para lang ito sa mga pipi at bingi noon, pero kalaunan ginagamit na ng halos lahat ng tao. bata, matanda, babae, lalake, bakla at tomboy - lahat gustong magkaroon nito. isa siguro ako sa mga taong 'yun pero dahil 'di naman mayaman ang pamilyang pinagmulan ko kaya alam nyo na - wala akong cellphone.

third year college ako ng magkaroon ng trabaho. kailangan para maipagpatuloy ko ang pag-aaral ko. medyo humina kasi ang kita ni papa kaya kinailangan kong tumulong. march 30, 1999 - ang first day ko. nang mga panahong ito ay nasa isang relasyon ako. isang taon ko nang boyfriend ang isa sa pinakaguwapong lalaki sa kolehiyong pinapasukan ko. marami ang nagtataka bakit ako ang girlfriend nya. 'di kasi ako kagandahan - sexy lang. sa taas kong limang pulgada, bigat na 80lbs, vital statistics na 29-24-30, puwede na 'di ba??? (yaaabbbaang!!!!!)

alam kong may pagka-pabling ang boyfriend ko noon pero masasabi kong behave naman siya sa unang taon ng relasyon namin. hanggang sa tyaraaann - nauso ang nokia 3210 na cellphone. dahil may telepono naman kami sa bahay (sila wala) at dahil may trabaho na ako, binilhan ko sya ng nokia 3210 (fact: nauna pa siyang nagka-cellphone kesa sa akin). dahil sa nokia 3210, nagkaroon siya ng textmate (whaaat???). ang isa sa naging textmate nya ay ang ex-gf nya na galit sa akin dahil inagawan ko daw siya ng bf (whaaat???). ‘di totoo ‘yun siyempre. dito na nag-umpisang magkalamat ang relasyon naming - dahil sa nokia 3210. nagkabalikan sila ng ex-gf niya maliban sa sangkaterba niyang textmate. at siyempre gf niya pa rin ako ('di ko alam eh, busy ako sa studies at work). nang malaman ko, lima pala kami as in five, singko - you know; 1,2,3,4,5 pala kaming gf niya (tigas ng panga 'di ba???). siyempre nakipaghiwalay ako, and guess what??? hiniwalayan nya ang apat na babae (yabaaannng!!!!).

pagkatapos ng madaming sorry (1,000x) at maraming pangako (with matching kneeling and crying pa ang drama nya ha!!!) eh nagkaayos ulit kami. pero dahil ulit sa nokia 3210 eh muli na naman siyang natukso at paulit-ulit-ulit-ulit na natukso. 'di na kami nagkaayos ulit (trivia: isang mas batang babae ang naging kapalit ko).

pagka-graduate ko ng college 'di na ulit kami nagkita. ng mga panahong ito ay meron na rin akong cellphone - tyaraaan nokia 8210 (sosyal 'di ba???). meron na din akong textmate na kalaunan eh nalaman kong ang ex-bf ko pala. kahit gusto ko siyang balikan, 'di ko ginawa kasi takot ako - takot akong dahil sa nokia 8210 ko kaya niya ko babalikan (mahal ang bili ko dun eh!).

lumipas ang 2 taon. nokia 6510 na ang cellphone ko (hiniram ng pinsan ko ang nokia 8210 ko at sa kasawiang palad ay nadukot ito sa sm fairview). sa loob ng dalawang taon na ito ay naging matindi ang bonding namin ng nokia 6510 ko. nalimot ko na ang sakit ng pagkawala ng nokia 8210 ko. marami akong naging textmate, ang isa sa kanila ay ang ultimate crush ko nung high school pa lang ako. niligawan niya ako at sinagot ko siya (dream come true ito girl!!!). 'di nagtagal ang relasyon namin dahil wala na pala ang dating pagkahumaling ko sa kanya. nakipaghiwalay ako at ang balita ko hanggang ngayon ay galit pa siya sa akin.

itinigil ko na ang pakikipag-textmate, naisip ko kasing pang teenager lang ito - dapat na akong mag-mature. pero sadyang tukso ang nokia 6510 ko. nasa bahay ako ng isang kaibigan (birthday ng anak nya!!!) ng biglang may nagtext sa kanya. dating kasama sa trabaho na nagkataong kakilala din ng isa pa sa mga kaibigan ko. nangangamusta. inagaw ko ang cp nya at ako ang nag-reply sa text ng misteryosong lalaki. kinukumusta niya si janice (isa sa mga kaibigan ko na nakasama din niya sa trabaho). nagreply ako ng "ayos lang sya. si joanna ayaw mo bang kumustahin?" ang textback "sige pre, ikumusta mo na rin ako kung sino man ang joanna na yan" (mataray!!!) anyway, dito nag-umpisa ang pagiging textmate namin. kalaunan, nalaman kong baliktad yata kami sa halos lahat ng bagay. favorite ko ang pizza at pasta, 'di siya kumakain ng pizza. sa dessert, leche flan ang the best para sa akin, voila! 'di siya kumakain ng leche flan. mahilig akong mag-swimming (kahit 'di ako marunong lumangoy), ayaw niya ng swimming (dahil 'di daw siya marunong lumangoy). mahilig akong mang-asar, pikon sya. pareho kaming mahilig magbasa, tagalog pocketbook sa akin, english sa kanya. mahilig siya sa banda at maingay na tugtog (idol nya ang kamikazee at bandang keso), mahilig ako sa r&b at si nina ang idol ko. ayoko ng wrestling (ninerbyos ako ng minsang makapanood ako), sinusubaybayan nya ang wwe. at ang pinakamatindi - favorite team niya ang ginebra, favorite team ko ang kung sino mang kalaban ng ginebra sa pba 'pag may laban ito. hehehe.

pero aaminin ko na kahit madami kaming pagkakaiba, siya ang pinaka may sense kausap sa lahat ng naging textmates ko. may lalim kung baga. pagkaraan ng almost two months na pagiging textmates, nagpasya kaming magkita. curious ako sa hitsura niya kasi sabi ng friend ko, 'di daw siya ang tipo kong lalaki (madaya siya, alam na nya ang hitsura ko, pinakita ng isang common friend namin ang pix ko sa kanya). dec. 25, 2003 ang napagpasyahan naming date. pagkatapos ng dose oras na duty ko sa ospital na pinagtatrabahuhan ko ay dumating ang sundo ko. tama ang kaibigan ko, 'di nga sya ang tipo ko.

tumuloy pa rin kami sa pinlanong lakad. masaya naman siyang kasama. pasko noon kaya may gift siya sa akin (ako walang gift sa kanya). magaan ang loob ko sa kanya. tuloy ang pagte-text namin sa isa’t isa (crush na siguro nya ako!!!). nasundan pa ang date namin (dito sigurado crush na talaga nya ako!!!). dec. 30, 2003 bang!!! kami na, walang masyadong ligawan na nangyari.

masaya kami. kain sa labas, text, nood ng sine, text ulit. nakilala ko ang mga kaibigan at pamilya niya, ganun din siya. masaya kami. unti-unti natutunan naming pag-aralan ang hilig ng isa’t isa. natuto syang kumain pizza at leche flan. nagbabasa na ako ng english books. nanonood na ako ng wwe (in fact, favorite ko si john cena). isa na lang ang 'di ko talaga kayang gustuhin, ang ginebra. hanggang ngayon, kampi pa rin ako ng kalaban ng ginebra at inaasar ko pa din siya - hanggang ngayon pikon pa din siya at pinapatay ang tv lalo na kapag natatalo na ang ginebra.

naipamana ko na ang nokia 6510 ko at ericsson k750i na ang gamit ko ngayon. marami na ang nagbago. may anak na ako ngayon, si yahoo!!! isa na akong ina. may asawa na ako ngayon, si denster, ang textmate ko - mahal ko siya, mahal niya ako. ang bilis noh? para text - message sent!

Friday, July 14, 2006

how evil am i?

you are 64% evil

you are very evil. and you're too evil to care.
those who love you probably also fear you. a lot.

Thursday, June 15, 2006

some lost thoughts

nagpadala si mayor recom echiverri ng birthday greeting sa akin. close pala kami. salamat mayor. sana next time may gift nang kasama.

ito yung nilalaman:
mahal kong kaibigan,

isang karangalan na ipaabot ko ang taos-pusong pagbati sa pagdiriwang ng iyong kaarawan!

nawa'y marami pang kaarawan ang sa iyo ay sumapit upang maging kabalikat ng bayan tungo sa isang matatag na kinabukasan at isang reformed caloocan. hangad rin ng iyong lingkod ang pagpapala ng dakilang maykapal sa iyo at mga mahal Sa buhay.

ipanatag mo ang iyong kalooban at magtiwala, na bilang mayor ninyo, hangad kong isulong ang tunay na pagbabago at reporma Sa ikauunlad ng ating mahal na lungsod at makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo publiko sa mgd taga-caloocan. kung ano man ang nais ninyong iparating sa akin, nawa'y huwag kayong mag-atubiling makipag-ugnayan sa aking tanggapan.

muli, e-c-h-i-v-e-r-r-i nice, day sa inyong kaarawan!
pray hard, it works!

lubos na gumagalang,
atty. enrico "recom" echiverri


salamat ulit. lahat ba ng taga-caloocan eh pinadadalhan nito o 'yung mga 18 and above lang o 'yung mga puwede lang bumoto sa susunod na halalan?

===========

sabi nung isa kong kaibigan, habang nagre-review kami para sa board exam, na makukuha daw namin ang aming unang isang milyong salapi pagkatapos ng limang taong pagtatrabaho. 2000 nung pumasa kami sa board. 2001 nagkatrabaho ako. 2006 na. hindi pa rin kami nagkikita nung kaibigan ko. hindi ko tuloy makutusan.

===========

baka hindi ko pa nasabi pero salamat sa kasalukuyan kong kumpanya dahil tinanggap ninyo ako na programmer trainee kahit alam ninyong sa una, ikalawa at ikatlong tingin eh mukhang hindi ko matutunan ang pagko-code. b.s.e.c.e. kasi ako at dalawa lang ang computer subject namin. lagi pang absent 'yung isang prof. mukhang natuwa pa kayo sa akin at ni-regular pa ninyo ako bilang programmer 1. tapos, nag-power trip pa ang company ko at ginawa akong programmer 2. noong wala kayong magawa, sukat ba namang gawin ninyo akong programmer-analyst. lufhet ng title ko!!! at ngayon, ang title ko eh -> it consultant-system analyst. wow! mukhang masarap orderin sa isang chinese restaurant. salamat talaga. mananatili ang loyalty ko sa company na ito hangga't hindi pa natin nabibili ang lumang c-o-d (sa cubao) para gawing main building natin. wala bang dagdag sa leave credits ko?

===========

sino ba dito ang naniniwala sa ultimate love? ultimate love, meaning, kahit sino man ang magdaang karelasyon mo sa buhay eh may isa ka pa ding ultimate love na hinahangad na makasama (o makasama muli). na siya ang pamantayan mo pagdating sa larangan ng pag-ibig. na nothing compares ang turing mo sa kanya. na kung inaya ka niyang magkapiling kayo muli kahit alam mo at alam niyang may iba ka nang kapiling, eh sasama ka naman. ganun ka ba? kalimutan mo na ang letcheng ultimate love mong 'yan. inood mo na lang 'yan ng commercial.

===========

speaking of commercial, nag-go ang traffic light. naglabasan ang mga taong nagkakaripasan ng takbo. nag-uunahan. papuntang mcdo. tapos um-order sila. tapos kumain sila. nung, tapos na sila biglang nagsalita 'yung isa: "race back to work?"

hindi ba sila magkaka-
appendicitis nun? sabi ng misis ko eh contrary daw to popular belief, hindi daw sa pagtakbo o pagkilos ng mabigat pagkatapos kumain ang nagreresulta sa appendicitis. common misconception lang daw 'yun. isa raw sa totoong sanhi nito eh pagkain ng mabubutong pagkain tulad ng kamatis. hindi na 'ko kumontra.

===========

advanced father's day celebration. pumunta kami sa sm mall of asia. laki. malaki pa sa grand central sa monumento. gift ng misis ko? zippo lighter (tenks). binili ko na din ng same lighter ang erpat ko at erpats niya. para sama-sama kami sa kung saan tahimik at malamig. tapos sa sea side kami kumain. sarap. salamat nga pala kay rudolphy sa yosi na binigay niya sa akin straight from spain. john & marsha. tugak & pugak. pen & ink. yosi & lighter. si señor!


===========

kung magaling kayo sumayaw, kumanta, o umarte, i-download ninyo ang
expression v3.3 (beta) para gumaling na din kayo mag-drawing sa computer. user-friendly siya. para kang gumagawa ng artwork mo sa iyong canvass. puwede pa i-undo 'pag nagkamali. salamat kay acid42 sa link niya sa software na ito. galing. download niyo na. libre ito sa microsoft. mag-register ka nga lang.

===========

akala ko kaya ko lumabas sa opisina na naka-braid. hindi pala. salamat kay
rachie sa effort. at least nagtagal siya ng more than 5 minutes sa buhok ko.


===========

malungkot kapag natalo ang paborito mong team sa basketbol. lalo na kung finals. malungkot kung natalo ang paborito mong team sa basketbol. lalo na kung pumusta ka dito. sa kaliwa - mga talunan. congrats sa mga nagwagi ng 1000bucks sa kanan.

===========

commercial ulit. may isang isla na hugis babae. may isang babae sa isla na may hawak na dalawang bola na nakatapat sa may kanyang dibdib. tapos may babaeng manggagaling sa likod at dadakmain ang dalawang bola niya. isa pa. may dalawang babaeng iinom sa drinking fountain. sila ay tulala, nakatingin sa malayo, kaya hindi nila nararamdaman na unti-unti ng naglalapit ang kanilang mga labi. ako lang ba o talagang symbolical ang patalastas na ito sa isang mahalay na pananaw?

===========

mga makabuluhang links na magpapabago sa inyong buhay:
birthday celebration ko sa bahay
despedida ni sir steve
despedida ni rose

===========

isa pang commercial. isang sikat na aktor. nagkukuwento tungkol sa hilaw na ubo. pinapipili ang isang bata, si renz. una, isang gorilla ang babatok sa bata para mapatalsik ang plema niya. o uminom ng isang popular na gamot para sa ubo. kahit ako eh allergic sa gamot na iyon eh 'yun ang pipiliin ko kaysa magpabatok sa gorilla. mahina na ba ang benta ng gamot na ito at dinadaan na lamang sa takutan?

===========

nakuha ko sa email.
why do good employees leave?...

early this year, arun, an old friend who is a senior software designer, got an offer from a prestigious international firm to work in its india operations developing a specialized software.

he was thrilled by the offer. he had heard a lot about the ceo of this company, a charismatic man often quoted in the business press for his visionary attitude. the salary was great. the company had all the right systems in place - employee-friendly human resources (hr) policies, a spanking new office, the very best technology, even a canteen that served superb food.

twice arun was sent abroad for training. "my learning curve is the sharpest it's ever been," he said soon after he joined. "it's a real highworking with such cutting edge technology."

last week, less than eight months after he joined, arun walked out of the job. he has no other offer in hand but he said he couldn't take it anymore. nor, apparently, could several other people in his department who have also quit recently.

the ceo is distressed about the high employee turnover. he's about the money he's spent in training them. he's distressed because he can't figure out what happened. why did this talented employee leave despite a top salary?

arun quit for the same reason that drives many good people away. the answer lies in one of the largest studies undertaken by the gallup organization. the study surveyed over a million employees and 80,000 managers and was published in a book called "first break all the rules".

it came up with this surprising finding:

if you're losing good people, look to their immediate supervisor. more than any other single reason, he is the reason people stay and thrive in an organization. and he's the reason why they quit, taking their knowledge, experience and contacts with them. often, straight to the competition.

"people leave managers not companies," write the authors marcus buckingham and curt coffman. "so much money has been thrown at the challenge of keeping good people - in the form of better pay, better perks and better training - when, in the end, urnover is mostly a manager issue."

if you have a turnover problem, look first to your managers.

beyond a point, an employee's primary need has less to do with money, and more to do with how he's treated and how valued he feels. much of this depends directly on the immediate manager.

and yet, bad bosses seem to happen to good people everywhere. a fortune magazine survey some years ago found that nearly 75 per cent of employees have suffered at the hands of difficult superiors. you can leave one job to find - you guessed it, another wolf in a pin-stripe suit in the next one.

of all the workplace stressors, a bad boss is possibly the worst, directly impacting the emotional health and productivity of employees.

here are some all-too common tales from the battlefield:

dev, an engineer, still shudders as he recalls the almost daily firings his boss subjected him to, usually in front of his subordinates. his boss emasculated him with personal, insulting remarks. in the face of such rage, dev completely lost the courage to speak up. but when he reached home depressed, he poured himself a few
drinks, and magically, became as abusive as the boss himself. only, it would
come out on his wife and children. not only was his work life in the doldrums, his marriage began cracking up too.

another employee rajat recalls the chinese torture his boss put him through after a minor disagreement. he cut him off completely. he bypassed him in any decision that needed to be taken. "he stopped sending me any papers or files," says rajat. "it was humiliating sitting at an empty table. i knew nothing and no one told me anything."
unable to bear this corporate siberia, he finally quit.

hr experts say that of all the abuses, employees find public humiliation the most intolerable. the first time, an employee may not leave, but a thought has been planted. the second time, that thought gets strengthened. the third time, he starts looking for another job.

when people cannot retort openly in anger, they do so by passive aggression. by digging their heels in and slowing down. by doing only what they are told to do and no more. by omitting to give the boss crucial information. dev says: "if you work for a jerk, you basically want to get him into trouble. you don't have your heart
and soul in the job."

different managers can stress out employees in different ways - by being too controlling, too suspicious, too pushy, too critical, too nit-picky. but they forget that workers are not fixed assets, they are free agents. when this goes on too long, an employee will quit - often over a seemingly trivial issue.

it isn't the 100th blow that knocks a good man down. it's the 99 that went before. and while it's true that people leave jobs for all kinds of reasons - for better opportunities or for circumstantial reasons - many who leave would have stayed - had it not been for one man constantly telling them, as arun's boss did: "you are dispensable. i can find dozens ike you."

while it seems like there are plenty of other fish especially in today's waters, consider for a moment the cost of losing a talented employee. there's the cost of finding a replacement. the cost of training the replacement. the cost of not having someone to do the job in the meantime. the loss of clients and contacts the person had with the industry. the loss of morale in co-workers. the loss of trade secrets
this person may now share with others.

plus, of course, the loss of the company's reputation. every person who leaves a corporation then becomes its ambassador, for better or for worse. we all know of large i.t. companies that people would love to join and large television companies few want to go near. in both cases, former employees have left to tell their tales.

"any company trying to compete must figure out a way to engage the mind of every employee," jack welch of g.e. once said. much of a company's value lies "between the ears of its employees". if it's bleeding talent, it's bleeding value. unfortunately, many senior executives busy traveling the world, signing new deals and developing a vision for the company, have little idea of what may be going on at home.

that deep within an organization that otherwise does all the right things,one man could be driving its best people away.


ikaw, 'yan ba ang reason mo kung bakit ka umalis?

===========

itong thought na ito ay para sa mga mahilig (alam ko bibihira na lang tayo) sa pinakamahabang teleserye sa telebisyon ngayon - ang world wresting entertainment (wwe, dating wwf). maraming trivia ang mababasa ninyo dito tungkol sa wrestling. alam ko marami ang magre-react na peke naman ang sakitan sa wrestling. may maliit na punto naman kayo sa aspetong ito ng inyong paniniwala. pero ganito na lang ang isipin ninyo. ang wrestling nga ay isang mahabang teleserye na may action, drama, romance, suspense rolled into one. sa teleserye, pag nagkamali ang artista, cut, take two. sa wrestling 'pag nagkamali sila, bodies shattered, necks broken, careers ended ang resulta. saan ka pa? sa mga naniwala noon na namatay si ultimate warrior dahil nabalian ng ugat,
click na. tenkyu nga pala kay vhyn for the link.

===========

commercial. isang tao ang nagtetext sa kanyang cellphone. sinasabi sa background ang tungkol sa pagkonekta sa mga tao. tapos, pinakita ang napakaraming tao na nagtetext, nagbabasa o basta nakatingin at hawak ang kanilang cellphone. padami ng padami ang taong pinakikita na may cellphone. tapos, isang babae ang nakabunggo sa lalaking may cellhpone. nagkatinginan sila. ngumiti. ang advertisement -> closeup toothpaste. creative 'di ba? all the while, akala ko eh tungkol sa cellphone ang patalastas.

===========

at ang nagpasaya sa birthday ko? ang regalo sa akin nang mag-ina ko. si papa bear, si mama bear at si baby bear. ay, ang sweeeet.



===========

salamat sa pagbabasa ng mga canned thoughts ko.

Friday, June 02, 2006

otbphil proudly presents...

nagkaroon nang isang friendly competition na hinandog ng otbphil para sa lahat ng gustong umasenso ang kanilang buhay. ito ang kauna-unahan nilang pagtatangka na ganapin ang ganitong uri ng patimpalak. sa premyong matatanggap ng mananalo, makakapag-umpisa sila ng panibago at masayang buhay.
isa si bingbong sa sumali at nangarap. sa 3/74 na probability, hindi inasahan ni bingbong na siya ang susuwertehin na unang mananalo. marami ang nagsabi at nakakita na hindi daw talaga makapaniwala si bingbong na siya ang nanalo. halos maiyak na daw ito dahil sa hindi maitagong kasiyahan.
"congratulations bingbong! sabi nga ni charles, 'premonition' ito nang mangyayari sa kauna-unahang philippine idol. sana ay gamitin mo sa tama ang iyong napanalunang premyo. (suggestion: maaari mong i-treat ang mga kaibigan mo sa opisina.) sana'y marami kang matulungan sa nakuha mong gantimpala. pagpalain ka ni kapitan spongejosephsquarepants." - otbphil management
si bingbong habang tinatanggap ang kanyang premyo

kinakamayan si bingbong ng isang hindi kilalang tao na nag-proxy para sa otbphil management.


binalatuhan si proxy ng forty pesos ni bingbong. "makakapagbagong-buhay na ako!!! salamat kapitan spongejosephsquarepants!!! salamat bingbong!!! salamat otbphil!!!" - proxy


happy bingbong


anong meron ang taong happy?


"i was not aware na ako pala ang may HAPPY ENDING! Thanks guys!" - naiiyak na mensahe ni bingbong

ikaw gusto mo din bang magkaroon ng happy ending tulad ni bingbong?

Tuesday, May 30, 2006

warcraft dota vs. nba live 06



- isang in-depth analysis kung warcraft dota ba o nba live 06 ang magandang laruin sa pc.
basic ->
dota (defense of the ancients) = sa title pa lang eh alam mong merong kinalalaman ito sa pag-depensa. pero siyempre, may opensa din na dedepensahan. sa laro, may dalawang kampong magkaaway sa magkasalungat na sulok ng mapa - ang scourge at sentinel. may tatlong lanes na dadaanan na may tig-da-dalawang tower bawat kampo. dito magdadaan ang mga scourge at sentinel hanggang magtagpo sila at magpatayan. ang isang player ay pipili ng kanyang hero para sumali sa patayang ito at tulungan ang kampo mo na manalo. habang naglalaro, nandoon ang iba't ibang item na puwede mong bilhin para lumakas ang hero mo. bawat hero ay may kanya-kanya ding unique na kapangyarihan.
nba live 06 = basketbol. may depensa at opensa din siyempre. ang dalawang kampo na magkalaban dito ay ang home at away team. ang isang player ay pipili ng isang team na gagamitin para makipaglaban sa isa pang team. ang team na may pinakamaraming puntos na magawa ang mananalo siyempre. bawat star players ng team ay may kanya-kanya ding unique na superstar move.
round 1. ilan ang puwedeng maglaro?
dota = hanggang sampu ang maximum na puwedeng maglaro (5-on-5). puwede ka maglaro mag-isa at kalaban mo ay computer. ang ideal network game ay unlimited. maraming combinations ang puwede (1player vs cpu, 1player vs 2cpu, 1player vs 1player, 1player vs 2players, etc... - need i say more?)
nba = hanggang sampu ang maximum na puwedeng maglaro (5-on-5). puwede ka maglaro mag-isa at kalaban mo ay computer. ang ideal network game ay 1-on-1. isang player ang magko-control per team (puwedeng computer ang isang team). kung dalawa o higit kasi ang magko-control per team ay hindi advisable dahil maaaring sugapain ng isang player ang bola at hindi na pasahan ang kakampi niya.
dota 1 - nba 0
round 2. ilan ang puwedeng pagpilian?
dota = maraming heroes ang puwedeng pagpilian. bawat isa ay may unique na kapangyarihan. nagkakaroon ng updates kapag may bagong hero na idadagdag. bawat laro ay posible ang iba't ibang combination ng heroes na maglalaban at magiging magkakampi.
nba = 30teams ang puwedeng pagpilian. bagama't ang isang team ay kadalasang may 15players, 3 naman dito ay nasa reserved list lang at 5 lang ang puwede mong ipasok sa laro. nagkakaroon ng updates kapag may bagong player na idadagdag. kung gusto mong iba't ibang combination ng players ang maglalaban at magiging magkakampi, dapat mong baguhin ang roster kada laro. ma-trabaho.
dota 2 - nba 0
round 3. gaano katagal ang isang laro?
dota = depende sa talent ng players ng magkalabang kampo. puwedeng matapos agad o puwedeng abutan ka ng pagsasara ng computer shop.
nba = pwede mo i-set ang bilang ng minuto kada quarter (range: 2-12 minutes per quarter). advantage ito para matantiya mo ang oras ng iyong pagtigil.
dota 2 - nba 1
round 4. quality
dota = maganda ang graphics. maraming mapa ang puwedeng paglaruan. maraming heroes ang puwedeng pagpilian. hindi papangit ang graphics kahit sa laptop.
nba = maganda ang graphics. maraming court ang puwedeng paglaruan. maraming players ang puwedeng pagpilian. pumapangit ang graphics sa laptop ni charles.
dota 3 - nba 1
round 5. longevity
dota = may bagong mapa at heroes via patch updates. pero kahit walang bagong mapa at hero, sa dami ng iba't ibang combination na puwedeng gawin sa laro, hindi ka agad magsasawa. kung lagi kang nananalo, maghahanap ka pa ng mas malakas na hero na makakatapat. kung lagi lang natatalo, maghahanap ka ng hero na aakma sa style mo para manalo ka naman.
nba = may bagong courts, jerseys, players, atbp. via patch updates. magsasawa ka agad dahil paulit-ulit lang ang player moves na magagawa mo 'pag tagal. kung lagi kang nananalo, magsasawa ka na. kung lagi kang natatalo, magsasawa ka din.
dota 4 - nba 1
round 6. anonymity level
dota = kapag nasa lrt kayo at nag-uusap tungkol sa dota, bibihira ang makaka-relate kaya walang makikialam sa kuwentuhan ninyo. walang ke-keso.
nba = kahit nasaan kayo at nag-usap kayo ng tungkol sa nba, alam nilang basketbol ang pinag-uusapan ninyo. maraming puwedeng makisabat. baka may magsabi pa sa'yo kung sino nanalo sa laro kaninang umaga eh ayaw mo pa naman malaman para maganda ang nood mo ng replay.
dota 5 - nba 1
round 7. skills development
dota = maraming skills ang ma-e-enhance mo sa larong ito. tamang judgement sa pagpili ng tamang combination ng heroes, ng item na bibilhin, at build ng hero. gagaling ka din sa math dahil magkukuwenta ka ng pera mo dito kung enough na ba para mabili mo ang isang item. makakatulong din ito sa memory mo dahil kakabisaduhin mo ang mga bibilhan mo ng items. magiging alerto ka dahil bukod sa nakatingin ka sa kalaban mong kaharap mo eh titignan mo din ang buong mapa para sa iba pang kalaban na aali-aligid. matututo ka mag-research para mapag-aralan ang hero mo at ang hero ng kalaban. bibilis ang pindot mo sa keyboard at click mo sa mouse. bibilis ka mag-ALT+TAB kapag may guwardiya o bossing na paparating.
nba = bibilis ang pindot mo sa keyboard. bibilis ka mag-ALT+TAB kapag may guwardiya o bossing na paparating. kahit gumaling ka magbasketbol sa larong ito eh hindi mo maa-apply sa totoong buhay.
dota 6 - nba 1
round 8. watching or playing?
dota = maraming nakakapaglaro, iilan ang nanonood. maraming nag-e-enjoy. konti ang na-i-inggit.
nba = isa ang naglalaro, madaming miron. konti ang nag-e-enjoy. maraming pedeng magsumbong sa'yo sa misis/gf mo.
dota 7 - nba 1
round 9. significant other
dota =
gf/misis: bakit ka ginabi?
ikaw: nag-dota kami sa office eh.
gf/misis: ah, okay. kumain ka na ba? bagong ligo ako ngayon.
nba =
gf/misis: bakit ka ginabi?
ikaw: nag-nba ako sa office eh.
gf/misis: punyetang nba 'yan. nba na sa office, nba pa panonoodin dito sa bahay. puro nba na lang. grrrr $#!*%
dota 8 - nba 1
round 10. after effect
dota = normal na nilalaro sa opisina ng dalawa o mahigit na katao kaya mabubuo ang camaraderie at teamwork. masarap pa magkuwentuhan 'pag pauwi na kayo.
nba = normal na nilalaro sa opisina ng dalawa o mahigit na katao pero kanya-kanyang laro. hindi makaka-relate ang isa't isa kung mag-uusap na sila tungkol sa game nila individually.
dota 9 - nba 1
dota wins. dota owning. dota killing spree. dota godlike.
kaya ano pa ang hinihintay mo charles? gumawa na ako ng installer para makapag-install ka na sa laptop mo. sali na!!!

Monday, May 22, 2006

kuwentong linggo

masamang tao o mabait na ama?
sunday. natutulog si yahoo (baby ko). inuugoy ko sa duyan habang nagbabasa ng diyaryo. maya-maya, kumahol si bruno (aso ko). may dalawang babae kasi sa gate. tinatangkang buksan 'yung gate pero nagdalawang isip nung marinig ang kahol ng aso ko. dinungaw ko. nung makita ako ay tinanong kung pwede daw ba silang pumasok. mga member sila ng isang religion na nagbabahay-bahay para manghikayat ng bagong miyembro, mag-share ng words of god at humingi ng kaunting donation para sa pamphlet na pinamimigay nila.
"pass muna," sabi ko.
nagpumilit pa din sila. sandaling oras lang naman daw.
"nagpapatulog ako ng bata. 'pag pinapasok ko kayo, magkakakahol lalo itong aso ko at magigising ang baby ko," paliwanag ko.
kahit doon na lang daw sa gate namin. sandali lang naman daw.
"hindi ko maiiwan baby ko dito sa loob ng bahay. walang ibang magbabantay. pass muna," pakiusap ko.
ayaw pa din umalis sa gate. kung hindi nga lang kumakahol ang aso ko eh baka buksan na talaga nila 'yung gate at tuluyang pumasok.
kahol ng kahol ang aso ko pero nagpupumilit pa din silang tumuloy. baka magising na si yahoo kaya naisip ko na payagan na silang pumasok.
sabi ko, "bahala kayo kung gusto ninyong tumuloy pa din."
tapos, pinakawalan ko si bruno.
====================
si manong
sunday. hapon. nagpunta ako sa isang sangay ng mercury drugstore. sinulat ko na 'yung bibilhin ko sa papel para aabot ko na lang sa pharmacist. tapos inabot ko na nga. at tinignan niya sa database kung available.
"wala pong cherry-flavored, strawberry lang po," sabi niya sa akin.
"ok lang," sagot ko.
"78.25 po," sabi niya.
inabot ko ang bayad.
noong umalis na siya. bigla akong kinausap ni manong na nasa tabi ko.
"ano 'yan isang buong kahon? mahal na pala ang condom ngayon no?" sabi ni manong.
"tempra po ang binibili ko," sagot ko.

Wednesday, May 17, 2006

first philippine idol

sinamahan namin si hopee na hanapin ang roving truck ng philippine idol.


sa opisina ng philippine idol. audition time!!!


banner para kay hopee mula sa happy sauna bath (mapapansin na tadtad ng signature ang banner).

Thursday, May 04, 2006

parking perfection

kung nag-enjoy kayo sa dalawang laro (penguin at how fast are your reactions) na na-post dito previously, tiyak na mag-e-enjoy din kayo sa bagong larong ito na lumabas ulit sa internet. simple lang din pero masarap pag-trip-an laruin. para sa mga mahilig mag-drive.

note na uulit-ulitin: ang mga eksenang matutunghayan ay naganap after office hours. promise.

ang main screen ng laro (nasa bandang ibaba ang controls):


unang misyon:

ikalawang misyon:

ikatlong misyon:

huling misyon:

kapag success:

kapag hindi, balik sa umpisa:

pagkatapos mong malagpasan ang apat na pagsubok, ito ang lalabas sa screen mo. ito ang kailangan mo i-print screen at ipadala sa akin:

ngayon kung mukhang exciting ang larong ito, click mo ito para makapaglaro ka na din:
click mo ako

kung feeling mo eh mababa ang total time mo para ma-park ang apat na kotse, ipadala na ang iyong screenshot ('wag mo na pagpagudan dayain ang screenshot at wala namang premyo) sa densmallroom@yahoo.com kalakip ang codename mo at isang sachet ng creamsilk black (may laman) para sa aking pansariling gamit.

note ulit: hindi pa din ini-encourage ang screenshot na nagawa during office hours.

mga screenshots as of 7:30pm ng may 4, 2006:

umiskor si vyn ng 115.4:


umiskor si steve ng 95.3:

umiskor si denster ng 92.9:

umiskor si yengrc ng 87.6 (pinakamababang oras sa ngayon):

update!!! nag-email si vyn at ang bago niyang iskor ay 72.1:

how fast are your reactions?

kung nag-enjoy kayo sa larong penguin na na-post dito previously, tiyak na mag-e-enjoy din kayo sa bagong larong ito na lumabas din sa internet. simple lang din pero masarap pag-trip-an laruin.

note ulit: ang mga eksenang matutunghayan ay naganap after office hours. promise.

ang main screen ng laro:


biglang may lalabas na sheep mula sa kanyang flock tulad nito:

kung ma-click mo ang tranquilizer button habang tumatakas ang sheep, ganito ang mangyayari:

kung napaaga naman ang click mo, automatic 3.0 seconds ang ilalagay sa oras mo at ganito ang kalalabasan:

limang sheep ang kailangan mong tamaan ng tranquilizer. tulad nito:

pagkatapos ng limang sheep, ito ang lalabas sa screen mo. ito ang kailangan mo i-print screen at ipadala sa akin:


ngayon kung mukhang exciting ang larong ito, click mo ito para makapaglaro ka na din:
click mo ako

kung feeling mo eh mababa ang average time mo at mataas ang iyong rate, ipadala na ang iyong screenshot ('wag mo na pagpagudan dayain ang screenshot at wala namang premyo) sa densmallroom@yahoo.com kalakip ang codename mo at isang sachet ng creamsilk pink (may laman) para sa aking pansariling gamit.

note: hindi pa din ini-encourage ang screenshot na nagawa during office hours.

mga screenshots as of 6:12 ng may 3, 2006:

si denster na umiskor ng 0.1766:

misis ko na umiskor ng 0.162:

si yengrc na umiskor ng 0.149:

si rax na umiskor ng 0.138 (kasalukuyang pinakamababang average):

mag-trip ka na din at sumali!

update!!!! mga nag-e-mail ng iskor nila


iskor ni cris ay 0.2514 (taas pa nito dre):

iskor ni davidian® ay 0.1592:

humirit pa ang misis ko ng 0.1496: