Tuesday, May 30, 2006

warcraft dota vs. nba live 06



- isang in-depth analysis kung warcraft dota ba o nba live 06 ang magandang laruin sa pc.
basic ->
dota (defense of the ancients) = sa title pa lang eh alam mong merong kinalalaman ito sa pag-depensa. pero siyempre, may opensa din na dedepensahan. sa laro, may dalawang kampong magkaaway sa magkasalungat na sulok ng mapa - ang scourge at sentinel. may tatlong lanes na dadaanan na may tig-da-dalawang tower bawat kampo. dito magdadaan ang mga scourge at sentinel hanggang magtagpo sila at magpatayan. ang isang player ay pipili ng kanyang hero para sumali sa patayang ito at tulungan ang kampo mo na manalo. habang naglalaro, nandoon ang iba't ibang item na puwede mong bilhin para lumakas ang hero mo. bawat hero ay may kanya-kanya ding unique na kapangyarihan.
nba live 06 = basketbol. may depensa at opensa din siyempre. ang dalawang kampo na magkalaban dito ay ang home at away team. ang isang player ay pipili ng isang team na gagamitin para makipaglaban sa isa pang team. ang team na may pinakamaraming puntos na magawa ang mananalo siyempre. bawat star players ng team ay may kanya-kanya ding unique na superstar move.
round 1. ilan ang puwedeng maglaro?
dota = hanggang sampu ang maximum na puwedeng maglaro (5-on-5). puwede ka maglaro mag-isa at kalaban mo ay computer. ang ideal network game ay unlimited. maraming combinations ang puwede (1player vs cpu, 1player vs 2cpu, 1player vs 1player, 1player vs 2players, etc... - need i say more?)
nba = hanggang sampu ang maximum na puwedeng maglaro (5-on-5). puwede ka maglaro mag-isa at kalaban mo ay computer. ang ideal network game ay 1-on-1. isang player ang magko-control per team (puwedeng computer ang isang team). kung dalawa o higit kasi ang magko-control per team ay hindi advisable dahil maaaring sugapain ng isang player ang bola at hindi na pasahan ang kakampi niya.
dota 1 - nba 0
round 2. ilan ang puwedeng pagpilian?
dota = maraming heroes ang puwedeng pagpilian. bawat isa ay may unique na kapangyarihan. nagkakaroon ng updates kapag may bagong hero na idadagdag. bawat laro ay posible ang iba't ibang combination ng heroes na maglalaban at magiging magkakampi.
nba = 30teams ang puwedeng pagpilian. bagama't ang isang team ay kadalasang may 15players, 3 naman dito ay nasa reserved list lang at 5 lang ang puwede mong ipasok sa laro. nagkakaroon ng updates kapag may bagong player na idadagdag. kung gusto mong iba't ibang combination ng players ang maglalaban at magiging magkakampi, dapat mong baguhin ang roster kada laro. ma-trabaho.
dota 2 - nba 0
round 3. gaano katagal ang isang laro?
dota = depende sa talent ng players ng magkalabang kampo. puwedeng matapos agad o puwedeng abutan ka ng pagsasara ng computer shop.
nba = pwede mo i-set ang bilang ng minuto kada quarter (range: 2-12 minutes per quarter). advantage ito para matantiya mo ang oras ng iyong pagtigil.
dota 2 - nba 1
round 4. quality
dota = maganda ang graphics. maraming mapa ang puwedeng paglaruan. maraming heroes ang puwedeng pagpilian. hindi papangit ang graphics kahit sa laptop.
nba = maganda ang graphics. maraming court ang puwedeng paglaruan. maraming players ang puwedeng pagpilian. pumapangit ang graphics sa laptop ni charles.
dota 3 - nba 1
round 5. longevity
dota = may bagong mapa at heroes via patch updates. pero kahit walang bagong mapa at hero, sa dami ng iba't ibang combination na puwedeng gawin sa laro, hindi ka agad magsasawa. kung lagi kang nananalo, maghahanap ka pa ng mas malakas na hero na makakatapat. kung lagi lang natatalo, maghahanap ka ng hero na aakma sa style mo para manalo ka naman.
nba = may bagong courts, jerseys, players, atbp. via patch updates. magsasawa ka agad dahil paulit-ulit lang ang player moves na magagawa mo 'pag tagal. kung lagi kang nananalo, magsasawa ka na. kung lagi kang natatalo, magsasawa ka din.
dota 4 - nba 1
round 6. anonymity level
dota = kapag nasa lrt kayo at nag-uusap tungkol sa dota, bibihira ang makaka-relate kaya walang makikialam sa kuwentuhan ninyo. walang ke-keso.
nba = kahit nasaan kayo at nag-usap kayo ng tungkol sa nba, alam nilang basketbol ang pinag-uusapan ninyo. maraming puwedeng makisabat. baka may magsabi pa sa'yo kung sino nanalo sa laro kaninang umaga eh ayaw mo pa naman malaman para maganda ang nood mo ng replay.
dota 5 - nba 1
round 7. skills development
dota = maraming skills ang ma-e-enhance mo sa larong ito. tamang judgement sa pagpili ng tamang combination ng heroes, ng item na bibilhin, at build ng hero. gagaling ka din sa math dahil magkukuwenta ka ng pera mo dito kung enough na ba para mabili mo ang isang item. makakatulong din ito sa memory mo dahil kakabisaduhin mo ang mga bibilhan mo ng items. magiging alerto ka dahil bukod sa nakatingin ka sa kalaban mong kaharap mo eh titignan mo din ang buong mapa para sa iba pang kalaban na aali-aligid. matututo ka mag-research para mapag-aralan ang hero mo at ang hero ng kalaban. bibilis ang pindot mo sa keyboard at click mo sa mouse. bibilis ka mag-ALT+TAB kapag may guwardiya o bossing na paparating.
nba = bibilis ang pindot mo sa keyboard. bibilis ka mag-ALT+TAB kapag may guwardiya o bossing na paparating. kahit gumaling ka magbasketbol sa larong ito eh hindi mo maa-apply sa totoong buhay.
dota 6 - nba 1
round 8. watching or playing?
dota = maraming nakakapaglaro, iilan ang nanonood. maraming nag-e-enjoy. konti ang na-i-inggit.
nba = isa ang naglalaro, madaming miron. konti ang nag-e-enjoy. maraming pedeng magsumbong sa'yo sa misis/gf mo.
dota 7 - nba 1
round 9. significant other
dota =
gf/misis: bakit ka ginabi?
ikaw: nag-dota kami sa office eh.
gf/misis: ah, okay. kumain ka na ba? bagong ligo ako ngayon.
nba =
gf/misis: bakit ka ginabi?
ikaw: nag-nba ako sa office eh.
gf/misis: punyetang nba 'yan. nba na sa office, nba pa panonoodin dito sa bahay. puro nba na lang. grrrr $#!*%
dota 8 - nba 1
round 10. after effect
dota = normal na nilalaro sa opisina ng dalawa o mahigit na katao kaya mabubuo ang camaraderie at teamwork. masarap pa magkuwentuhan 'pag pauwi na kayo.
nba = normal na nilalaro sa opisina ng dalawa o mahigit na katao pero kanya-kanyang laro. hindi makaka-relate ang isa't isa kung mag-uusap na sila tungkol sa game nila individually.
dota 9 - nba 1
dota wins. dota owning. dota killing spree. dota godlike.
kaya ano pa ang hinihintay mo charles? gumawa na ako ng installer para makapag-install ka na sa laptop mo. sali na!!!

0 Comments:

Post a Comment

<< Home