Tuesday, November 21, 2006

esmyuskee

natatandaan niyo pa ba 'yung palabas dati sa channel 2 tuwing 4:30pm? 'yung "ang tv"? classic 'yun. may portion sila doon na pinamagatang "esmyuskee". nagbabatuhan sila ng mga corny jokes for their own amusements. eto, balikan natin ang "ang tv". but this time. mas corny 'yung mga jokes. ang tamaan, may hidden agenda.

esmyuskee, esmyuskee, pede bang makidaan
esmyuskee, esmyuskee, at baka may masagasaan
mayroon akong nalalaman, sana ay pagbigyan
kun'di man kayo matawa, sana'y ngumiti ka na lang

officemate1: esmyuskee, pare.
officemate2: your esmyus.
officemate1: may goodnews at badnews ako sa'yo.
officemate2: talaga? ano muna 'yung good news?
officemate1: 'yung good news, may 30,000 tayong christmas gift!
officemate2: talaga?! ang saya nun. eh, ano naman 'yung bad news?
officemate1: lahat 'yung 30,000 eh gift cheque.
officemate2: nyeee!!!!

rica : esmyuskee, teller.
teller: your esmyus.
rica : magdedeposito sana ako ng 30,000.
teller: ay sige po. cash po ba o check?
rica : gift cheque.
teller: nyeee!!!!

anak : esmyuskee, tatay.
tatay: your esmyus.
anak : 'tay, may sakit si kuya, dalhin natin sa ospital.
tatay: hindi pwede anak. gift cheque ang bonus ko eh. hindi tinatanggap sa ospital. ipasyal mo na lang sa sm ang kuya mo.
anak : nyeee!!!!

esmyuskee, esmyuskee, pede bang makidaan
esmyuskee, esmyuskee, at baka may masagasaan
mayroon akong nalalaman, sana ay pagbigyan
kun'di man kayo matawa, sana'y ngumiti ka na lang


anak : esmyuske, tatay.
tatay: your esmyus, anak.
anak : tatay, saan ko po ba pede gamitin itong gift cheque na regalo ni ninong.
tatay: maglaro kayo ng monopoly, gamitin niyong play money.
anak : nyeee!!!!

mare1: esmyuskee, mare.
mare2: your esmyus, mare.
mare1: mukhang big time ah. bago mga appliances mo at marami kang handa ngayong pasko.
mare2: namili na kasi ng gamit at pagkain dahil nakuha na ni pare mo ang 13th month at anniversary bonus niya. 'yung grocery allowance niya naman ang ipambabayad namin ng mga utang.
mare1: ah, ok. budget na budge na pala ang pera ninyo.
mare2: oo naman. o, andiyan na pala si pare.
pare2: hu-hu-hu.
mare1: o pare, bakit ka umiiyak?
pare2: 'yung grocery allowance kasi namin, na dapat eh pambayad ng utang - gift cheque!!! waaahhhhh!!!!
mare2: nyeee!!!!

anak : esmyuskee, nanay.
nanay: your esmus, anak.
anak : nay, bigyan mo nga ako ng sentence na analogous sa sentence na ito: "ang sabi ng boss sa empleyado, 'ano ang gusto mo, 30,000 pero gift cheque? o cash pero 15,000 lang?'"
nanay: parang ganito 'yan, anak: "ang sabi ng rapist sa babae, 'buhay? o puri?'"
anak : nyeee!!!!

esmyuskee, esmyuskee, pede bang makidaan
esmyuskee, esmyuskee, at baka may masagasaan
mayroon akong nalalaman, sana ay pagbigyan
kun'di man kayo matawa, sana'y ngumiti ka na lang


anak : esmyuskee, nanay.
nanay: your esmus, anak.
anak : nay, bigyan mo nga ako ng quotation na analogous sa seryosong sentence na ito: "kung ayaw mo ng gift cheque, ibigay mo sa akin."
nanay: parang ganito 'yan, anak: "what's mine, is mine. what's yours, is mine, too."
anak : nyeee!!!!

bossing : esmyuskee.
secretary: your esmyus.
bossing : 'yung mga empleyado natin maraming bayaring utang. 'yung iba, nagbabalak kumuha ng bahay next year. 'yung iba nagbabalak mag-invest sa business. 'yung iba balak mag-impok sa bangko. ano kaya magandang gawin ko para mapasaya sila?
secretary: i-send niyo ito sa e-mail nila, "management has thought it best for the employees to grant this year's christmas gift in the form of non-taxable sodexho premium pass (gift checks) equivalent to thiry thousand pesos (p30,000.00). sasaya silang lahat, tiyak.
bossing : nyeee!!!!

ate : pedring! pedring!
pedring: yis, ate.
ate : esmyuskee, pedring.
pedring: your esmyuks.
ate : pedring, kung talagang inisip ng management na best para sa mga empleyado ang gift cheque kesa pera, bakit nanatili pa din silang matigas kahit na nagpetisyon na ang karamihan sa empleyado at pinarating na sa kanila ang alam nilang totoong the best para sa mga empleyado?
pedring: ay sus ate. patawarin mo na sila, at hindi nila alam ang kanilang ginagawa. uki ba?
ate : nyeee!!!!

esmyuskee, esmyuskee, pede bang makidaan
esmyuskee, esmyuskee, at baka may masagasaan
mayroon akong nalalaman, sana ay pagbigyan
kun'di man kayo matawa, sana'y ngumiti ka na lang


esmyuskee, esmyuskee... esmyuskee, your esmyus!

tandaan, kapag ang "grocery allowance" ay pinalitan mo ng title na "christmas gift", pede mo na sabihin na
"it's a gift, you can either accept it or refuse it..."
merry christmas sa inyong lahat na bumuo nang successful na plano na ito. sana'y maalala ko pa din kayo, kahit kayo'y matanda na. kahit kayo'y nasa isang sulok na lang ng inyong mga bahay-bahay..
..at nagbibilang ng gift cheque...
tenkyu, tenkyu, ambabait ninyo, tenkyu.
pasensiya at pangit at corny itong bago kong post na blog. bullshit begets bullshit kasi eh.

76 Comments:

Anonymous Anonymous ay nagwika na...

you should be happy, others do not even have a P1.00 bonus....
ang tao talaga walang kasiyahan.

3:23 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

okie din ito ah...si anonymous sa itaas... kaw ba si g?

"neither you accept it or you dont?"

4:18 PM  
Blogger the_english_patient ay nagwika na...

dear anonymous
it's not that we are ungrateful, it's just frustrating to see grown people treat other grown ups like they are a bunch of ignorant, children...inocente de ti?

4:19 PM  
Blogger Unknown ay nagwika na...

to anonymous sa taas:
esmyuskee, pero, wala naman kaming sinabi na hindi kami happy. wala din kaming sinabi na hindi kami masaya.

minsan kasi kailangan na may sumalungat sa alam mong mali. hindi man siya maitama, atleast natawa kami kahit corny.

4:33 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

children, behave. i'll tell you a story na lang. lolz.

4:37 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

@anonymous

BULOK KA ANONYMOUS na orig!!!!!!!

5:26 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

para kay anonymous...
di naman ako biased sa blog na ito pero gusto ko sanang itanong sa 'yo... di ba nakapagtataka bakit kailangan i-gift cheque ang x-mas gift? baka mas mabuti pa na ibinigay na lang sa empleyado na may tax at least di mo alam kung kaninong politoko napunta yung tax na dini-deduct kaysa sa sobrang obvious kung kanino napunta yung discount sa gift cheque? Okay lang sana yung gift cheque kung hindi lang sana obvious na may iilang taong nakinabang dito...Parang iginisa ang mga empleyado sa sarili nilang mantika a... Pinoy tayo utoy...Sana may pusong Pinoy ka rin at utak Pinoy...Baka kasi taga-ibang bansa ka kaya di mo naiintindihan kung ano ang katotohanan sa pagiging gift cheque x-mas gift na pinaguusapan sa blog na ito...wag ka sanang mag-u-tak alimango. Ibangon mo ang karapatan mong maging Pinoy

5:45 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Tama nga naman, bakit nga ba ginawang giftcheck ang binigay ng DBP na cash? Maliwanag pa sa sikat ng araw na 35K in cold cash ang binigay tapos ginawang 30K at gift check pa.... naiintindihan mo ba ang sinasabi mo anonymous? Isa kaba sa sinasabi mong kahit piso eh walang bonus? Kawawa ka naman...

11:43 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Tama nga naman, bakit nga ba ginawang giftcheck ang binigay ng DBP na cash? Maliwanag pa sa sikat ng araw na 35K in cold cash ang binigay tapos ginawang 30K at gift check pa.... naiintindihan mo ba ang sinasabi mo anonymous? Isa kaba sa sinasabi mong kahit piso eh walang bonus? Kawawa ka naman...

11:45 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

ako ang orig na anonymous, prehas nyo rin akong makakatanggap ng gift check...
pasensya na, cguro nga ay nagkamali ako sa una kong sinabi...
bulok nga ako!

2:30 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Magdota na lang tayo gamit ang gift cheque...... Pwede ba yon sa internet cafe anonymous????

4:22 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

the problem is that the company doesn't know how to manage expectations of people. it is their responsibility to prepare their people on changes. they should have inform the employees earlier. even before 13th month pay was released

5:17 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

"the problem is that the company doesn't know how to manage expectations of people. it is their responsibility to prepare their people on changes. they should have inform the employees earlier. even before 13th month pay was released"
dear anonymous,
Uuuuy! english talaga kailangan ha? pero P30,000.00 na gift check... hmmm... kung ikaw at ang asawa mo ay nagtatrabaho dun sa company na yun, e di P60,000.00 na ang gift check mo... can you imagine? P60,000.00 worth of merchandise. wow! para kang yung mga artista o mayayaman na isang araw lang mag-ubos ng P60,000.00 sa grocery man o pagsa-shopping.. wow talaga! ang responsibilidad ng management o bawat tao ay maging makatao... palagi dapat isipin ang golden rule... "gawin mo sa iba ang gusto mong gawin sa yo ng iba" siguro gusto ng management na makatanggap ng gift check din? magpakototoo tayo tao lamang at may pangangailangang pinansyal... makakatulong ang gift check bakit ang sa hindi pero ganuong kalaking halaga? sana P5T worth yung gift check tapos P25T e in form of cash na ginagawa ng lahat ng company pwera lang sa company na nababanggit dito na pinagugatan ng usaping ito...
from: anonymous too

8:33 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

uy, labas na ako diyan ah. hindi na ako ang may pakana niyan.

pero proud ako na may natutunan din
pala ang mga nakatrabaho ko diyan sa legacy na aking iniwan.

8:39 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Ang hirap kasi.. Negosyo na... ninenegosyo pa...

9:40 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Para kay anonymous too…

“…baka mas mabuti pa na ibinigay na lang sa empleyado na may tax at least di mo alam kung kaninong politoko napunta yung tax na dini-deduct kaysa sa sobrang obvious kung kanino napunta yung discount sa gift cheque?...”

I am just curious, do you have any experienced in transacting and/or negotiating on acquiring gift checks??? Magkano ba ang usual discount na ibinibigay sa mga kumpanya??? Ganyan din ba ang gawain mo kaya masyadong naging “obvious” sa’yo??? Hinde sa bias ako sau, pero kaya mo bang patunayan yang mga sinasabi mo? Do you have any proof kung kanino nga napunta yung ‘discount’ na sinasabi mo.… Payo ko lang sayo, magresearch ka muna baka kasi kulang ang detalye mo baka in the end kainin mo ang mga sinasabi mo, remember, ignorance of the law excuses no one from compliance therewith, kasi mahirap kumain ng naisuka na maliban na lang kung suka ng anak mo at ikaw ay isang ulirang ina. Ang gawain ni juan ay di lagi gawain ni pedro kaya wag ka mag isip ng masama sa kapwa mo kung ayaw mong mapag isipan din ng masama…

3:11 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

for andrew g:
ang legacy ng totoong andrew g eh hindi ganyan.. fyi lng po.. if it were not for him hindi 30K bonus last yr..kc kelangn din nya ng cash.. haha..
well, sna nga may proof kyo na 35K ang binigay ng DBP pra may habol ang mga empleyado sa management.. mahirap kc magsalita kung ala ka nmn pinanghahawakan na proof db ers?
bsta.. lahat ng employee sna magka isa! humanap ng ebidens against the people behind that crap GC's!!

3:42 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

ano ba? pasalamat tau me mga bonus...yong iba wala..kung ayaw mo sa gift check..ipamigay mo...christmas naman eh...gift giving...hehehe..malay mo pag nadedo ka sa langit ka mapunta...

3:51 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

sikat na tong blog na to!!! congrats dc!

4:13 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

hay naku people...if puro lang kayo sagutan ng sagutan jan, nde kau maririnig ng top management, if talagang matapang kayo, why dont you present yourself, magsend kau ng email sa top management o kaya magwelga na kau...mas masaya yun... its all or nothing BONUS di ba? walang gift check, wala kayong sakit sa ulo, wala rin kau lalo napala...

4:19 PM  
Blogger Unknown ay nagwika na...

hala, nagkakaseryosohan na ah. peace lang sa lahat. pinalabas ang "ang tv" dati para magpasaya ng mga tao. kahit corny ang jokes, masaya ka namang nanood.

hindi eto "debate ni pareng oscar at mareng winnie". walang dapat pagtalunan. walang dapat mapikon. we have all our own reasons kung bakit ganyan ang mga reaction natin. ako on my part, may nasira akong pangarap. at mahilig akong mag-blog. plain and simple. naglabas lang ako ng frustrations ko, not to blame anyone but to release 'yung emotions ko para gumaan pakiramdam ko. respetuhin na lang natin ang opinyon ng isa't isa.

saka, puro anonymous naman 'yung iba eh. lagay kayo ng pangalan. para masaya asaran (hehehe - joke). pero walang pikunan. nagpopost ako para gumaan ang pakiramdam ko. sana ganoon din kayo.

ang mga bagay na nangyari na. hindi na maaaring ibalik pa. pero kung muling mapag-uusapan, dapat idaan na lang sa masayang kuwentuhan.

o game. asaran na ulit.

salamat sa mga nagbabasa. sana nag-enjoy kayo. dahil nag-enjoy akong isulat ito.

4:26 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Comment ko kay Andrew G. -- kahit ano pa sinasabi nila tungkol sa kanya,atleast mas maraming naman nangyari sa DCI,kesa dun sa lumang management. O ngayong umalis sya,san na naman ang DCI,syempre BALIK SA DATI.BALIK SA DATING BULOK NA SYSTEMA. May nangyari na ba sa mga SHORT STORIES? WALA WALA WALA...

Comment ko sa Mgmt -- Sana naman pinagisipan nyo ng mabuti ung mga ginagawa nyo. Hindi porke malalaki sahod nyo ok na kahit anong mangyari sa mga tao sa ibaba nyo. Hindi nyo ba alam na mas marami pa ngang nagagawa ung mga tao sa ibaba kesa sa inyo. Isipin nyo naman sana na marami rin silang kailangan at pinagkakagastusan. Shet... Dapat naman sana ang Mgmt should be for the people,hindi lang para kung kanikanino. Baka dapat tanggalin nalang ung mga mahal na mga CONSULTANT na yan,mukang wala naman silang nagagawa e. Lately ba may narinig na kayong maganda tungkol sa revenue ng DCI. Tang ina.. WALA WALA WALA...

4:31 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

just a thought....what will you do if management decide to cancel the gc's kase u're being ungrateful? they have the right to do that db ers? kaya kung ako sa u, magiging masaya na lang ako, we'll find it useful naman for sure...it's better than nothing! btw, im not pro mgmt, at first, nainis din ako sa news na to...but then i realized na in the end, wala din naman tayong magagawa...kaya accept it na lang..ok...PEACE!

4:34 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

ang tatapang ninyo sumagot...ilagay naman ninyo pangalan ninyo para masaya =)

4:37 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Hi folks,

E kung 100 tayo na may 30,000 na GC eh di tumatagingting na 3,000,000 pesosesosesosssss a yun a!

Hmmmm.... pwede siguro i money market, ehek, GC market yun?

Meron ba satin na magaling na fund manager na pwedeng magplace para satin?

E yung spread lang ng two weeks e bawi na ang discounting na magaganap pag place ng GC to cash.

dibz?

My two cents, (in Sodexho GCs)

4:39 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

At first, I am torn between the mngt's decision, and the people. Because i believe in fairness. To the first one who commented under the name ANONYMOUS, well dear, yes its true that we must be happy that we have P30k though in GCs. But I strongly agree that they should've given it in cash instead for the ff reasons: (1) Why burden the people to use these GCs to middle-class and elite stores, when they can spend it in thrift shops? Not everyone in the company earns more than P10k, and the economy is not that good yet. Though the peso's value against dollar is getting good, not all commodities are getting cheaper. Let us look at the practical side. (2) If the company will give it in cash, I'm sure that the people won't mind the tax (I wasn't even payable in last year's tax!). Anbd what is 15% of the amount in excess of 30k (that is the tax) compared to the 10% deduction to the total bonuses (in case others decide to encash their GCs).
Everyone should should stick in their brains that we are all here to make the company grow, so we should not use our power/personal interest in giving benefits..

For me, the people's arguments does weigh more than the management's excuses..

5:13 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

tama na yan guys. ganun tlga wala na kasi pera ang company natin. mahina business. buti nga meron pa tayong makukuha kahit gift check lang. gusto nyo ipa-cash natin yan pero february wala na tayo work. hehe parang mas ayaw ko yun ah =)

5:20 PM  
Blogger the_english_patient ay nagwika na...

I am just curious, do you have any experienced in transacting and/or negotiating on acquiring gift checks??? - what's this? hello wrong grammar...just checking...

remember, ignorance of the law excuses no one from compliance therewith, - therewith what? hmmm... sentence fragment?... sorry just critical...

5:43 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

to the_english_patient:
wala ka na bang comment bukod sa grammar? ang corni mo naman...mas malalim na point of argument naman please...sinisira mo yung flow ng topic ey! lol!

5:59 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

para sa 'yo who posted"
"I am just curious, do you have any experienced in transacting and/or negotiating on acquiring gift checks???
gusto ko rin sanang mag-english kaya lang baka malaman mo na mas magaling ako sa 'yo hehehe! joke lang... una sa lahat gusto kong malaman mo at ng lahat ng nagbabasa nitong blog ng friend ko na i hope friend mo rin na ni hindi ako nakatanggap ng GC na para lang sa inyo. bakit ako nag-post? dahil ang original na "esmyuskee" ng ANG TV ay isang satire in actuality. at natutuwa ako dahil ang author ng blog na ito ay isang satirist. magaling. at dahil duon, pinaiigting nya lang ang paniniwala kong talagang hindi reklamador ang Pinoy kung kaya't tuwina s'yang naloloko dahil hinahayaan nya lang na sya ay maloko dahil ayaw nya ng kaaway. para sagutin ko ang tanong mo, uulitin ko ulit, pinipilit kong mabuhay na alinsunod sa golden rule. kaya sinsisiguro ko sa iyong kahit kailan hindi ako nanglamang sa tao. at di sa pagmamayabang, nirirespeto ako dahil sa prinsipyo ko ng lahat ng nakakakilala sa akin. nagkataon, di iilan ang kilala kong ignoranteng tao na kumakapit sa pagbili ng GC. Alam mo ba kung magkano ang kinikita ng nagbibenta ng GC? Ikaw na lang ang mag-research. Tama ka: "ignorance of the law, excuses no one". alam mo ba na ang GC ay form ng isang negotiable instrument? hindi rin ako mayabang at lalong ayaw kong kalabanin ang batas. alam kong libel at/o defamation of character ang parusa sa maling pagaakusa at paglagay ng kapwa sa kahihiyan. Higit sa lahat, tama si DC, ang blog na ito ay ginawa nya para i-release ang sama ng loob (oops! hindi yung iniisip nyo guysÜ), sumaya at makalimutan sandali ang problema. saludo ako sa yo DC. sa lahat ng "okay" lang ang palagay sa GC, tama lang yan. Pinoy tayo, nais lamang natin ng kapayapaan. Hindi ko naman sinabing mag-aklas kayo, kundi gusto kong iparating na nalulungkot ako sa mga sintimyento ng "naisahan". Hiling ko lang, sana positive ang attitude nating Pinoy. Magkaisa tayo para sa kapakinabangan ng lahat at hindi ng iilan lamang. Mabuhay ka DensterÜ

7:25 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

para kay baste (para magka-idea din si anonymous):
ang alam kong kalakaran ng GC, conservative estimate is 3%. Parang credit card. So kung bumili ka ng worth 5T na GC payable in 1 month x 3% ang babayaran mo sa nagbenta after 1 month is 6.5T. Yung bumibili ng GC para pahulugan, kumikita ng 3%, yung bumibili, gumagastos ng 103%. yung nagbenta ng GC? I-estimate mo na lang na .5% ang kita nya, so per 5T worth of GC, may commission sya na P250. (conservative pa po yun), ang pinakamasaklap pa nyan, kung yung nagbenta ng GC e stockholder ng nag-issue ng GC, wow! tubo na may dividend pa lol! saya! gets mo anonymous? sana mali ang nalalaman ko para naman walang nadehado... mag-research naman po kayo please? tapos i-correct nyo ako, baka kasi mali yung sapantaha ko, e makamatayan ko ang maling akala. salamat...!

7:43 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

paki-correct na lang po computation ko mahina ako sa math e.. ala me calculator ahehehehe! 5000x3%=P150 lang pala. at saka 5000x.5%=P25. Nagestimate lang kasi ako kasi di ko alam kung ilang months at ilang % yung usapan nung sa kakilala ko na ang GC worth P5T e lumabas na P6.5T. Sensya na po.. homo sapiens lang poÜ

7:49 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

para wala kayong problema...hanap na lang kau ibang company na 13th month lng ang nakukuha...oks ba? hehehe :)kainggit kau ha may 30K na gift check...bigay nyo na lng sakin kung ayaw nyo...hehehe

11:33 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Hindi naman sa ayaw namin yong gift check pero mas kailangan namin ng cash.
Kung baga may kasabihan "CREDIT is good but we need CASH"
at ilan lang establishment pweding gamitin nito.

2:38 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

nu ba yan? puro computations.. usapan d2 is the gc's that the management is giving us..
ok mabalik tyo sa topic!ay.. saglit saglit lng..
prng boring na eh.. blind item nlng..
hulaan nyo 'to! cno itong girlalu.. na hindi halos lumalabas sa knyang lunga at mahilig mag "nora aunor" kpg nagsasalita.. cya ang may mastermind behind the gc issue-(pooh-quiao)

3:06 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

heto pa ang isang blind item na dahilan kung bakit naging gift check ang Grocery allowance. lagi sya may dalang soap case pag pumapasok ng cr hahahaha... (winnie the pooh)

3:25 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

ay.. ay.. meron pang isa! cno itong isang boylalu na not so boyish, super hin-hin magsalita, member ng isang alive alive na grupo! pro ni hindi man lng maka-tao ang nag sabing "if you dont like it then give it to me!"(pertaining to GC's)-(pooh-quiao)

4:51 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

aba..hehe, kilala ko yang mga yan ah? lalo na yung may soap case *lol*

5:05 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

ako ba yan tinutukoy sa blind date? cge kayo babawiin ko yan..hmmm

5:28 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

sory blind item pala. alam nyo naman high class citizen ako. hirap na nga ako mag-post ng tagalog dito

5:30 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

ok lang na mag-isip ng paraan ang management para kumita ang kumpanya pero sana di na lang pinag-interesan ang gift checks... they could have spared this one for the employees since its Christmas naman!

6:36 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

mashadong nagiinit dito!!
parang disyerto ...
papadalhan ko kaya ng camel!!
para mas masaya ang xmas ninyo..

8:54 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

sabi nung isa sa itaas eh kung sure ba na 35K ang bigay ng DBP... baguhan ka siguro ano, 3 years ago, talagang 35K na ang binibigay ng DBP sa lahat ng tao na naka assign sa DBP. Kahit na 1 araw palang sya basta abutan lang ng bigayan. ano ang ginagawa ng DCI, di nila binibigay pag wala ka pang 1 month, at kung wala kapang 1 taon, pro rated din ang ibibigay sa iyo... ngayong taon na ito 35K ang binigay, paano ko nalaman? Dahil yun angbinigay sa mga Security Guard, Janitors at kahit tanungin mo sa CDU, ipapakita nila sa iyo na 35K ang binigay ng DBP.

Ngayon, kung di na naniniwala, tawag ka sa 8189511 pa connect ka sa CDU.

Yung gift check, magkano ba ang kuha ng DCI dun? Wala naman talaga dapat ang mga taga PACIFIC STAR dun eh, kasi binigay yun eh para sa mga taga DBP... Yan kasi ang hirap eh, pag yung iba ba di naka assign sa DBP eh nakakuha ng bonus, eh di naman nakakarating sa amin dito sa mga taga DBP,pero pag DBP ang nagbigay, hati hati ang lahat... ngayon asan ang JUSTICE dun?
Mahirap bang pakinggan ang hiling ng empleyado? Simple lang naman eh, sabi ko nga... cash bingay ng DBP yun, ngayon kung bakit naging gift check eh, management na ang nakakaalam nun, siguro nga dahil sa me kikita.

Bakit naman last year eh 30K cash nila naibigay? bakit ngayon eh di nila yun magawa?

ANG HIRAP KASI NEGOSYO NA EH NINENEGOSYO PA... Bushet

3:49 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Ibigay na lang maaga para mas maaga ka makadiskarte, hindi yung pasko na wala pa! Pwede mo ng ibenta ng maaga kahit lugi o pwede ka na mamili ng mga pangregalo sa mga inaanak mo to avoid the xmas rush!

5:07 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Ellow mga kakosa!

Ang mg GC na yan ba e may one-year validity ba?

Ip dat isso, den hindi nga lang free to do as you please like cash and prhaps hindi maihabol for the christmas spending, pero makakagawa ns remedyo at pwede siguro ....

Still, methinks cash is better...

Hmmmm ....

6:58 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

"Wala naman talaga dapat ang mga taga PACIFIC STAR dun eh, kasi binigay yun eh para sa mga taga DBP... Yan kasi ang hirap eh, pag yung iba ba di naka assign sa DBP eh nakakuha ng bonus, eh di naman nakakarating sa amin dito sa mga taga DBP,pero pag DBP ang nagbigay,
hati hati ang lahat... "

sa tagal ko na sa DCI (almost 8 years na sana) sa simula palang
ang mga di nakaassigned sa DBP ay
walang natatanggap na bonus sa project na kung saan sila naka assigned. BDD (para sa di naka assigned) at FMD (para nakaassigned sa DBP). naging issue na rin yan before at ang amount pa ng bonus nun ay 15k. that time yang 15k na yan ay hinati,para mabigyan ang kabila ginawang 7.5k each. pero walang nagawa ang lahat. yan ang utos ng board.

ano punto ko dito (dko alam..joke!)..wag na natin ibalik ang dating pagkakahati ng DCI. wala nang FMD at BDD, mabibilang nalang sa daliri ang naiwan na nakaexperience nito. matututo din ang upper mgt sa GC issue, meron silang mga mata at tenga na
nakapalibot sa inyo. sa susunod na taon ay di na nila uulitin yan, bakit ko nasabi dahil after nilang hatiin ang bonus na kinagalit ng tga FMD di na inulit yun bagkus binigyan na rin ang BDD ng bonus parehas ng natatangap ng FMD,

nakapag decide na ang board wala
nang magagawa unless pamangkin ka ng chairman na cyang dahilan ng
pagkakahati ng 15k baka pwede pang
maging cash ang GC nayan.

7:15 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Bakit tuwing magpapasko may sumasama ang loob sa DCI? Sa DCI lang ba may Xmas spirit na ganito parati?

10:10 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

That's what you call TRADITION! bwaha hahaha

10:05 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

IBIGAY NA, WAG NG PATAGALIN! KASI GANUN DIN NAMAN ANG MANGYAYARI NYAN, GAGASTUSIN DIN NAMAN.... PWEDE NG IBILI NG PANGTOMA SA SM... AYOS BA TSONG!

1:48 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

yehey! malapit na ibigay yung grocery allowance (30,000 cash) na naging gift check..saya 2x.

Marami akong isasabit sa christmas tree namin. Merry talaga ang pasko basta DCI employee. Baka next year post dated check na! Astig!

4:35 PM  
Blogger Unknown ay nagwika na...

latest update sa mga anonymous na nag-post:

ginawa na siyang cash. \'nuff said.

now this is the part where you have to say you\'re \"thank you\'s\', i guess.

8:35 AM  
Blogger Unknown ay nagwika na...

ay wrong grammar. baka magalit si \'the_english_patient\'

latest update sa mga anonymous na nag-post:

ginawa na siyang cash. nuff said.

now this is the part where you have to say your \"thank you\'s\", i guess.

9:49 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

dear all,

first of all, i didnt intend to cause 'bangayan' on this blog. yup, it's me, the one who started this trail of comments. sorry po sa lahat ng nagalit, or nag-away. im not an employee of your company. i just came across this blog, and naisip ko lang, the jokes may be jokes but obviously patama sa pangyayaring nangyayari talaga.
to the person who said wala siguro ako ni pisong bonus, yes, wala nga, that's why i find you guys so much luckier than me.
i didnt know you have issues with your management, but my point is IT'S BETTER THAN NOTHING. Look at the other side. Para kasing masyado kayong galit sa kumpanya. They say kung galit ka sa kumpanya, isa ka din sa kanila dahil di ka naman umaalis. (ok, start the angry balls rolling...ü)
anyway, seems like pinakinggan naman kyo ng mgmt at ginawa na raw cash. malay nyo it was because of the comment i started. arent u guys gonna thank me??! =)
libre naman dyan!

merry christmas, everyone, im sure happy na kyo ngayon ü

11:31 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

kilala kita eh! ikaw ung taga BIR na kumuha ng tax ng christmas gift namin. kaw dapat manlibre, db tol?

12:58 PM  
Blogger Unknown ay nagwika na...

to the original anonymous:

ang reply kong ito eh pansariling pananaw ko lang. hindi ko alam ang feelings ng iba na nagbasa at nag-post dito.

happy naman ako kahit gift check ang ibigay. na-point ko na \'yan sa una kong sagot sa\'yo.

tama siguro na ang sinabi mo eh, \"happier na ako ngayon.\" afterall, matutupad na rin ang una kong balak kung sakaling cash ang makukuha.

\'yung company kasi is parang second family ko na. may arguements, may miscommunications, may away, may asaran. pero hindi ibig sabihin noon eh iiwan mo na ang company/family mo dahil lang doon. tignan mo din \'yung mga naibigay sa\'yo ng company/family mo. it\'s healthy na minsan eh nagkakaroon kayo ng \'di pagkakaunawaan. \'yun ang nagpapatibay sa inyo eh. \'yun ang gagawin niyong sandalan sa mga darating pang \'di pagkakaunawaan.

sad to say, naka-block na ang anything na may word na \'blog\' dito sa head office namin since yesterday. hindi na mababasa ng iba \'yung sincere kong \'thank you\' sa development regarding the \'christmas gift\'. sana malinaw sa atin \'yung message ng pandora\'s box. \'wag muna natin isara \'yung box \'pag naglabasan na \'yung mga misfortunes for mankind na nasa loob nito. afterall, sa dulo, kung nakabukas pa ang box, lalabas ang \'hope\'.

lilibre sana kita pero there\'s no way naman na malalaman ko kung sino ka. sayang, kulang pa ako ng isang sticker para sa planner ko sa istarbaks.

thanks sa lahat ng nag-post. isa siyang malusog na asaran. ito naman eh, sabi ko lang.

1:09 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

wala namang masama na magexpress ng opinyon eh ang masama lang ay ang magbintang ka na merong kumita at kung ano ano pa. nasaan ang ebidensya nyo? para sa mga nagsasabi na may binigay ang dbp na pera sa dci bakit hindi kayo magpakilala at ilabas ang dokumentong nagpapatunay dito para magakalaman na. yan ang hirap sa ibang tao dito eh ang galing magakusa di naman nagpapakilala at wala namang ipinapakitang ebidensya.

10:52 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

SLA 2005 budget.

10:18 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

No need the evidence, yearly yan binibigay ng DBP... dont tell me nanag bibigay kayo at hinahati nyo, sasabihin nyo na walang binibigay ang DBP. Actually taga DBP pa ang nagsasabi na binigay na sa DCI as early as october palang.. pero December nyo binibigay.

6:27 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

lalong tumitinti ang init
pakitaan na ng 'ibidinsiya'
buti pa dito samen lumalamig...

basta ako indi bisaya gah..

7:25 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

@gina
taga DCI po ba kayo? paki rephrase naman ang sinabi nyo na

'para sa mga nagsasabi na may binigay ang dbp na pera sa dci bakit hindi kayo magpakilala at ilabas ang dokumentong nagpapatunay dito para magakalaman na.'

mejo nakakaasiwang basahin..

noon palang ang DBP na ang nagbibigay ng bonus sa DCI. ngayon po pakita nyo din ang ebidensya na galing lahat yan sa DCI.

7:34 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

kakalungkot naman at nakablock tong blog sa DBP..

nagpapatunay na ang 'BLOG' na ito ay isang mabisang vehicle na napaabot ang hinanaing ng mga empleyado na noon pa'y binabalwala..

at ang mga taong nagbigay ng opinyon ay nagtagumpay dahil meron kayong napikon..di kinaya at ginamit ang powers! ayan block hahaha...

cge nga kung di kayo napikon i unblock nyo to!

pero sa labas ng office pinupuntahan nila to para chumimi..pakeso pa!

7:51 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

SA MGA PIPOL: nakuha na natin ang cash..oks na. tama na. salamat kay dens, sa mga sumuporta nitong blog, at sa mgt. na rin kasi pinagbigyan mo ang pinaka-asset ng kumpanya...KAMI! :)

SA BLOG: galeeng..naging magandang behikulo ito para marinig ang mga opinyon ng mga empleyado, regardless kung maganda man ang pagkasabi o inde. sayang lang at na-block sa H.O. parang tuloy nawala ung right to be heard ng madlang fifol...

4:53 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

kung sino ka mang anonymous ka na nagsasabi na yearly nagbibigay ang dbp bakit ang simple simple lang ang tinatanong ko nasaan ang pera bakit di mo masagot? mahirap po ba gawin yon? kung meron nga sa sabi mo uulitin ko ilabas mo na ang dokumentong nagsasabi na meron nga baka naman kasi wala kaya puro ka daldal lang dyan. lumantad ka na kasi ng magkaalaman na.

7:36 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

last post ko na ito dito.

actually dapat di na e pero natutuwa ako kay "GINA".

Hindi ko alam kung loyal ka lang masyado sa DCI o malaki ang bilib mo sa mga boss mo o kabilang ka sa iilang "pet" ng management na nakakatanggap ng "grasya" kaya bulag na bulag ka (o nagbubulagan) lang sa katotohanan kaya kailangan mong makumbinsi ang sarili mo sa mga proofs na hinihingi mo. Sabagay wala naman akong alam sa kalakaran ng DCI at DBP. Proofs are mere evidence of facts. Why resort to the proofs that you are clamoring for when the truth of facts is in front of your "unsuspecting" (brutal kasi kung ignorant ang gagamitin ko) sense to behold? ignoramous po ba kayo? kakaawa talaga ang mga nagbubulagbulagan... Parang yung mga paghihirap na nararanasan ng Pilipino... Ano pang proof ang kailangan para mapatunayan ang naghihingalong bansa natin? Ignorance is a very lonely world my dear. Wake up...

Kay Dennis, congrats! I think your blog just made way to uncover truths unknown to the "unsuspecting" Ginas of DCI. If truths be told, the turns and twists of recent events (re: the GC) are way of un-uncovering the "untouchable" story behind the GCs supposedly given to you...

Merry Christmas to all of us. Let's be proud to be Pinoys.

[P.S. sa mga magagaling mag-nglish, last post ko na ito, pagbigyan nyo ng kung may mali ako sa grammar and tenses ko if ever. Welcome naman po ang correction=). Thanks in advance!)

12:20 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

o ayan, nagbintang ka na naman ng kung ano ano kesyo pet ng management na nakakatanggap ng grasya. inihalintulad mo pa sa mga naghihirap na pilipino huwag mo ng ibaling ang usapan sa iba. pakiusap lang huwag ka ng magsabi ng kung anong mga salita laban sa iyong kapwa. kung naghihirap man ngayon ang pilipinas yan ay dahil mga taong mahilig bumatikos sa kanilang kapwa ng wala namang basehan. wala akong kinalaman sa mga sinasabi mo at ang tanging paraan lang na magkukumbinsi sa akin na totoo yan ay ang pagpapakita mo ng isang konkretong basehan maging ito man ay dokumento o pangalan ng taong nagsabi sayo na magpapatunay na meron nga. kung wala kang maipapakita, para sa akin ito ay mananatiling sabi sabi lamang at para sakin hindi dapat paniwalaan. me kasabihan tayong mga pilipino na ang taong naniniwala sa sabi sabi ay walang bait sa sarili.

9:34 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Uyyy! habang lumalamig ang kapaskuhan eh umiinit ang diskusyon dito.
For Ms. Gina, sayang idol ko pa naman kayo.. sabi ko nga eh kayo nalang ang pag asa ng admin, dahil kayo nalang ang medyo matino dyan sa admin, kaso eh mukhang mali yata.
Bakit nga ba kailangan pa ng ebidensya, eh talaga namang taon taon eh nagbibigay ang DBP ng bonus para sa DCI. Ang ginagawa nga ng DBP eh talagang headcount, pero ano ang ginagawa nyo, pro rated sa mga wala pang 1 year, at yung me 1 year naman eh hindi buo ang makukuha dahil bibigyan din dapat ang mga katulad nyo na nasa admin... dapat nga pro staff kayo eh kasi kami ang nagpapasahod sa inyo eh, kami yung nagpapakaghirap dito, kaya siguro naman eh dapat gandahan nyo naman ang serbisyo nyo sa amin. Ikaw ba talaga eh talagang walang alam na nag bibigay ang DBP ng bonus? di mo na natanong sa asrili mo kung saan kinukuha ng DBP ang binibigay sa iyo na bonus? I'm sure hindi sa bulsa ng DCi, dahil never namang nag palwal ang DCI eh.. kahit nga yung love bonus noon eh hindi nyo binigay... o baka naman hanapan mo pa ako ng ebidensya? paalala ko sa iyo, si Andrew mismo ang nag confirm nyan nung nag GA tayo, at sabui nya eh walang balak ibigay yan sa mga tao... pero diba sa tao binigay ng DBP yun? bakit di nyo binigay sa TAO?

yung issue dito eh yung GC, sabi nyo nung una eh nabili na ang GC, pero bakit nung me umalma eh naging CASH? asan na yung siansabi nyong nabili nyo na GC? Hirap kasi sa iyo eh masyado kang nagdidikit dyan sa mga tao dyan eh, nakakalimutan mo na ang haing ng nakakarami... tsk tsk tsk... me panahon pang magbago.... sana itong blog na ito na din ang maging daan... merry xmas...

11:46 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

wow... daming latest

11:47 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

AWAY! AWAY! AWAY! AWAY!

4:49 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

ganito na lang puntahan mo na lang ako ng personal at ituro mo sa akin kung sino sa dbp ang nagbigay ng sinasabi mong pera at sino sa dci ang tumanggap hihintayin kita hanggang friday. yan ang challenge ko sayo para naman may saysay ang mga sinasabi mo dito kung hindi bale wala din lahat yan. hihintayin kita kung walang lalapit sakin ito na ang huli ko dahil napatunayan ko na nagkamali kayo.

10:27 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

wow...ano eto....extra challenge.......o deal or no deal....hayop......grabe na to....ang tagal tagal na nyang usapan na yan.....parang bata pa lang ako usapan na yang bonus sa dci..hangang ngayon pa ba??? natanggap na naman yata ang money diba...yaan nyo na ung mga naniniwala na galing talaga sa dci yan....ganun talaga..minsan kailangan mong papaniwalain ang sarili mo sa mga kasinungalingan....pasasaan ba't magiging katotohanan din yan .......sayang...english sana kaso di ko matandaan yung exact words....baka ma correct pa ko .....ang mas maganda..wala na lang anonymous. magsabihan na ng names ....mas exciting un....grabe eto dennis....galing ng blog mo...parang sine.....NICE!!!!...saka may inquiring minds pa ba?? diba na-defunct na yon...sayang nga eh...yong nagtayo pa naman nun ang kilala kong pinakamabait na tao sa buong pilipinas..

7:33 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

ok tong hamon na ito sa iyo anonymous ha...

Parang linya sa pelikula, kung gusto mo makita ang anak mo na buhay, magkita tayo sa burol bago mag bukang liwayway he he he... pampalamig lang po...

12:30 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Question ko lng pow kay GINA? Masasabi nyo pow ba ng deretsahan sa mukha ng mga empleyado ng DCI na inde talaga tumatanngap ang DCI ng pera from DBP para sa grocery allowance ever since??? as in ever??? yun lng pow...

12:47 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

@inquiring minds founder pinakamabait na tao sa pinas? hmm is there a letter 'c' hahaha

@gina
napaka immature na hamon, alam ninyo naman ang katotohanan..lumalabas lang na katawa tawa, kelan pa kayo magigising?

@anonymous
grabe bilib ako sau, napainit mo ulo ni gina, wag kang matakot, kung lalantad ka..go! marami ang mas naniniwala sau.

Yan bonus na yan, sa susunod kasi ayusin na para wala ng issues na ganito. di na natuto..

3:28 PM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Maximo Oliveros....korek!!!!!! puro C kasi ang letters ng name ko......

Simon...sosyal....slang..........balikbayan

at para kay Ex-DCI na nasa Service Corp... Hindi si ERIC ha.....
kilala kita...kahit nakamaskara ka pa...bwahahahaha

7:41 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

Hay salamat at natahimik na din ang blog na ito...

11:44 AM  
Blogger blue_palito ay nagwika na...

GC as xmas bonus? Natawa ako dun a. (sobrang delayed ng comment ko) Well, buti ginawang cash. Masaya na (sana) lahat.

4:54 AM  

Post a Comment

<< Home