empty nest
nakaupo. nakatulala sa computer mo. naisip mo na ba kung ilang inches ang monitor mo? o malinaw ba siya o masakit sa mata?
natutulog. nakayuko sa may cubicle mo. kung minsa'y nakasandal sa bangko mo at nakatakip ng panyo. tumutulo ba ang laway ko? nakanganga ba ako? naghihilik ba ako?
nakatunganga. naghihintay ng uwian. tingin ng tingin sa orasan. nagta-type sa keyboard ng wala lang. ilang minuto pa ba? ilang oras na ba akong ganito?
kumakain. may gana man o wala. may kasabay man o mag-isa. nai-order kaya ako? ilang rice ba ang kaya ko?
nagyoyosi. pampababa ng kinain. pang reset ng utak. iisa pa ba ako? sino ba ang may candy diyan?
nag-iisip. ng maiisip. kadalasan wala. kadalasan malabo. ano nga pala iniisip ko? bakit ko nga ba naisip 'yon?
tahimik. panis na ang laway. walang makausap. walang kumakausap. ilang words na ba ang nabanggit ko ngayong araw? ilang oras na ba nung huli kong marinig ang tinig mo?
nag-aantay. ng makakalaro habang walang ginagawa. hindi naman araw-araw pasko. matatalo din kita. may second round pa ba? random ba? may bagong recruit ba?
nagtetext. habang unlimited. lakas mo. na-send ko na ba ito? dapat ko bang i-send pa ito?
nalilito. hindi alam kung saan mag-uumpisa o kung paano tatapusin. wala ng kinalalaman ang dati mong mga natutunan. susuko ka na ba? o mukhang kakayanin naman?
nagugutom. marahil sa karamihan o sa kawalan ng ginagawa. hindi na tulad ng dati na kakain ka kung kailan mo gusto. ngayon ka lang ba nagutom dahil sa matinding pag-iisip? o nagpapataba ka lang talaga?
feeling worthless. noon man o ngayon. dati, marami kang ginagawa, nagrereklamo ka. dati wala kang ginagawa, nagrereklamo ka. ngayon, wala kang ginagawa eh nagrereklamo ka na? ngayon, ang dami mong ginagawa eh nagrereklamo ka din?
maya maya, mapapansin mo na lamang na may tumutulo ng dugo sa iyong tenga. dapat ng tumigil. uuwi na ba? maglalaro ba? o kakain muna?
nag-uusap. ng kung anu-ano. ano ba ang magandang gawin ngayon? tara nga at tumambay muna tayo sa vendo ng makapag-usap at makapag-kape.
finally, someone was talking sense.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home