Wednesday, March 29, 2006

how far can you go?


note: ang mga eksenang matutunghayan ay naganap after office hours. promise.

minsan, may lumabas na laro sa internet na medyo simple pero masarap pag-trip-an laruin. eto 'yun.

screenshot 1: makikita sa taas ang isang penguin at may nag-aabang na abominable snowman o yeti sa baba.


screenshot 2: kapag nag-click ka ng mouse ay magda-dive ang penguin papunta sa yeti.


screenshot 3: sa ikalawang click mo ng mouse eh papaluin ng yeti ang penguin (dito mapa-practice ang iyong perfect timing). kailangang tamaan ng yeti ang penguin para...



screenshot 4: ...mapatalsik mo ang penguin ng malayung-malayo. 'yan ang misyon ng larong ito. palayuan ng pagpapatalsik sa penguin.

mga top scorer kahapon (after office hours):

itago na lang natin sa pangalang hopee: 323.4


at ang curator ng blog na ito na si denter: 323.5

ano pa ang hinihintay niyo. sali na!!!

click mo ito para makapaglaro ka na din: click mo ako

ipadala na ang iyong screenshot (hindi retokado ah) sa densmallroom@yahoo.com kalakip ang codename mo at isang sachet ng creamsilk pink (may laman) para sa aking pansariling gamit.

note: hindi ini-encourage ang screenshot na nagawa during office hours.

emails:

mula sa isang nagmamagandang loob na talunin ang taong itatago na lang natin sa pangalang hopee: 323.5

eto pa isa
eric: 323.5

eto pa ulit

jermite: 323.5

eto pa ang isa


jongpals: 323.5

0 Comments:

Post a Comment

<< Home