some lost thoughts
ito yung nilalaman:
mahal kong kaibigan,
isang karangalan na ipaabot ko ang taos-pusong pagbati sa pagdiriwang ng iyong kaarawan!
nawa'y marami pang kaarawan ang sa iyo ay sumapit upang maging kabalikat ng bayan tungo sa isang matatag na kinabukasan at isang reformed caloocan. hangad rin ng iyong lingkod ang pagpapala ng dakilang maykapal sa iyo at mga mahal Sa buhay.
ipanatag mo ang iyong kalooban at magtiwala, na bilang mayor ninyo, hangad kong isulong ang tunay na pagbabago at reporma Sa ikauunlad ng ating mahal na lungsod at makapagbigay ng de-kalidad na serbisyo publiko sa mgd taga-caloocan. kung ano man ang nais ninyong iparating sa akin, nawa'y huwag kayong mag-atubiling makipag-ugnayan sa aking tanggapan.
muli, e-c-h-i-v-e-r-r-i nice, day sa inyong kaarawan!
pray hard, it works!
lubos na gumagalang,
atty. enrico "recom" echiverri
salamat ulit. lahat ba ng taga-caloocan eh pinadadalhan nito o 'yung mga 18 and above lang o 'yung mga puwede lang bumoto sa susunod na halalan?
===========
sabi nung isa kong kaibigan, habang nagre-review kami para sa board exam, na makukuha daw namin ang aming unang isang milyong salapi pagkatapos ng limang taong pagtatrabaho. 2000 nung pumasa kami sa board. 2001 nagkatrabaho ako. 2006 na. hindi pa rin kami nagkikita nung kaibigan ko. hindi ko tuloy makutusan.
===========
baka hindi ko pa nasabi pero salamat sa kasalukuyan kong kumpanya dahil tinanggap ninyo ako na programmer trainee kahit alam ninyong sa una, ikalawa at ikatlong tingin eh mukhang hindi ko matutunan ang pagko-code. b.s.e.c.e. kasi ako at dalawa lang ang computer subject namin. lagi pang absent 'yung isang prof. mukhang natuwa pa kayo sa akin at ni-regular pa ninyo ako bilang programmer 1. tapos, nag-power trip pa ang company ko at ginawa akong programmer 2. noong wala kayong magawa, sukat ba namang gawin ninyo akong programmer-analyst. lufhet ng title ko!!! at ngayon, ang title ko eh -> it consultant-system analyst. wow! mukhang masarap orderin sa isang chinese restaurant. salamat talaga. mananatili ang loyalty ko sa company na ito hangga't hindi pa natin nabibili ang lumang c-o-d (sa cubao) para gawing main building natin. wala bang dagdag sa leave credits ko?
===========
sino ba dito ang naniniwala sa ultimate love? ultimate love, meaning, kahit sino man ang magdaang karelasyon mo sa buhay eh may isa ka pa ding ultimate love na hinahangad na makasama (o makasama muli). na siya ang pamantayan mo pagdating sa larangan ng pag-ibig. na nothing compares ang turing mo sa kanya. na kung inaya ka niyang magkapiling kayo muli kahit alam mo at alam niyang may iba ka nang kapiling, eh sasama ka naman. ganun ka ba? kalimutan mo na ang letcheng ultimate love mong 'yan. inood mo na lang 'yan ng commercial.
===========
speaking of commercial, nag-go ang traffic light. naglabasan ang mga taong nagkakaripasan ng takbo. nag-uunahan. papuntang mcdo. tapos um-order sila. tapos kumain sila. nung, tapos na sila biglang nagsalita 'yung isa: "race back to work?"
hindi ba sila magkaka-appendicitis nun? sabi ng misis ko eh contrary daw to popular belief, hindi daw sa pagtakbo o pagkilos ng mabigat pagkatapos kumain ang nagreresulta sa appendicitis. common misconception lang daw 'yun. isa raw sa totoong sanhi nito eh pagkain ng mabubutong pagkain tulad ng kamatis. hindi na 'ko kumontra.
===========
advanced father's day celebration. pumunta kami sa sm mall of asia. laki. malaki pa sa grand central sa monumento. gift ng misis ko? zippo lighter (tenks). binili ko na din ng same lighter ang erpat ko at erpats niya. para sama-sama kami sa kung saan tahimik at malamig. tapos sa sea side kami kumain. sarap. salamat nga pala kay rudolphy sa yosi na binigay niya sa akin straight from spain. john & marsha. tugak & pugak. pen & ink. yosi & lighter. si seƱor!
===========
kung magaling kayo sumayaw, kumanta, o umarte, i-download ninyo ang expression v3.3 (beta) para gumaling na din kayo mag-drawing sa computer. user-friendly siya. para kang gumagawa ng artwork mo sa iyong canvass. puwede pa i-undo 'pag nagkamali. salamat kay acid42 sa link niya sa software na ito. galing. download niyo na. libre ito sa microsoft. mag-register ka nga lang.
===========
akala ko kaya ko lumabas sa opisina na naka-braid. hindi pala. salamat kay rachie sa effort. at least nagtagal siya ng more than 5 minutes sa buhok ko.
===========
malungkot kapag natalo ang paborito mong team sa basketbol. lalo na kung finals. malungkot kung natalo ang paborito mong team sa basketbol. lalo na kung pumusta ka dito. sa kaliwa - mga talunan. congrats sa mga nagwagi ng 1000bucks sa kanan.
===========
commercial ulit. may isang isla na hugis babae. may isang babae sa isla na may hawak na dalawang bola na nakatapat sa may kanyang dibdib. tapos may babaeng manggagaling sa likod at dadakmain ang dalawang bola niya. isa pa. may dalawang babaeng iinom sa drinking fountain. sila ay tulala, nakatingin sa malayo, kaya hindi nila nararamdaman na unti-unti ng naglalapit ang kanilang mga labi. ako lang ba o talagang symbolical ang patalastas na ito sa isang mahalay na pananaw?
===========
mga makabuluhang links na magpapabago sa inyong buhay:
birthday celebration ko sa bahay
despedida ni sir steve
despedida ni rose
===========
isa pang commercial. isang sikat na aktor. nagkukuwento tungkol sa hilaw na ubo. pinapipili ang isang bata, si renz. una, isang gorilla ang babatok sa bata para mapatalsik ang plema niya. o uminom ng isang popular na gamot para sa ubo. kahit ako eh allergic sa gamot na iyon eh 'yun ang pipiliin ko kaysa magpabatok sa gorilla. mahina na ba ang benta ng gamot na ito at dinadaan na lamang sa takutan?
===========
nakuha ko sa email. why do good employees leave?...
early this year, arun, an old friend who is a senior software designer, got an offer from a prestigious international firm to work in its india operations developing a specialized software.
he was thrilled by the offer. he had heard a lot about the ceo of this company, a charismatic man often quoted in the business press for his visionary attitude. the salary was great. the company had all the right systems in place - employee-friendly human resources (hr) policies, a spanking new office, the very best technology, even a canteen that served superb food.
twice arun was sent abroad for training. "my learning curve is the sharpest it's ever been," he said soon after he joined. "it's a real highworking with such cutting edge technology."
last week, less than eight months after he joined, arun walked out of the job. he has no other offer in hand but he said he couldn't take it anymore. nor, apparently, could several other people in his department who have also quit recently.
the ceo is distressed about the high employee turnover. he's about the money he's spent in training them. he's distressed because he can't figure out what happened. why did this talented employee leave despite a top salary?
arun quit for the same reason that drives many good people away. the answer lies in one of the largest studies undertaken by the gallup organization. the study surveyed over a million employees and 80,000 managers and was published in a book called "first break all the rules".
it came up with this surprising finding:
if you're losing good people, look to their immediate supervisor. more than any other single reason, he is the reason people stay and thrive in an organization. and he's the reason why they quit, taking their knowledge, experience and contacts with them. often, straight to the competition.
"people leave managers not companies," write the authors marcus buckingham and curt coffman. "so much money has been thrown at the challenge of keeping good people - in the form of better pay, better perks and better training - when, in the end, urnover is mostly a manager issue."
if you have a turnover problem, look first to your managers.
beyond a point, an employee's primary need has less to do with money, and more to do with how he's treated and how valued he feels. much of this depends directly on the immediate manager.
and yet, bad bosses seem to happen to good people everywhere. a fortune magazine survey some years ago found that nearly 75 per cent of employees have suffered at the hands of difficult superiors. you can leave one job to find - you guessed it, another wolf in a pin-stripe suit in the next one.
of all the workplace stressors, a bad boss is possibly the worst, directly impacting the emotional health and productivity of employees.
here are some all-too common tales from the battlefield:
dev, an engineer, still shudders as he recalls the almost daily firings his boss subjected him to, usually in front of his subordinates. his boss emasculated him with personal, insulting remarks. in the face of such rage, dev completely lost the courage to speak up. but when he reached home depressed, he poured himself a few
drinks, and magically, became as abusive as the boss himself. only, it would
come out on his wife and children. not only was his work life in the doldrums, his marriage began cracking up too.
another employee rajat recalls the chinese torture his boss put him through after a minor disagreement. he cut him off completely. he bypassed him in any decision that needed to be taken. "he stopped sending me any papers or files," says rajat. "it was humiliating sitting at an empty table. i knew nothing and no one told me anything."
unable to bear this corporate siberia, he finally quit.
hr experts say that of all the abuses, employees find public humiliation the most intolerable. the first time, an employee may not leave, but a thought has been planted. the second time, that thought gets strengthened. the third time, he starts looking for another job.
when people cannot retort openly in anger, they do so by passive aggression. by digging their heels in and slowing down. by doing only what they are told to do and no more. by omitting to give the boss crucial information. dev says: "if you work for a jerk, you basically want to get him into trouble. you don't have your heart
and soul in the job."
different managers can stress out employees in different ways - by being too controlling, too suspicious, too pushy, too critical, too nit-picky. but they forget that workers are not fixed assets, they are free agents. when this goes on too long, an employee will quit - often over a seemingly trivial issue.
it isn't the 100th blow that knocks a good man down. it's the 99 that went before. and while it's true that people leave jobs for all kinds of reasons - for better opportunities or for circumstantial reasons - many who leave would have stayed - had it not been for one man constantly telling them, as arun's boss did: "you are dispensable. i can find dozens ike you."
while it seems like there are plenty of other fish especially in today's waters, consider for a moment the cost of losing a talented employee. there's the cost of finding a replacement. the cost of training the replacement. the cost of not having someone to do the job in the meantime. the loss of clients and contacts the person had with the industry. the loss of morale in co-workers. the loss of trade secrets
this person may now share with others.
plus, of course, the loss of the company's reputation. every person who leaves a corporation then becomes its ambassador, for better or for worse. we all know of large i.t. companies that people would love to join and large television companies few want to go near. in both cases, former employees have left to tell their tales.
"any company trying to compete must figure out a way to engage the mind of every employee," jack welch of g.e. once said. much of a company's value lies "between the ears of its employees". if it's bleeding talent, it's bleeding value. unfortunately, many senior executives busy traveling the world, signing new deals and developing a vision for the company, have little idea of what may be going on at home.
that deep within an organization that otherwise does all the right things,one man could be driving its best people away.
ikaw, 'yan ba ang reason mo kung bakit ka umalis?
===========
itong thought na ito ay para sa mga mahilig (alam ko bibihira na lang tayo) sa pinakamahabang teleserye sa telebisyon ngayon - ang world wresting entertainment (wwe, dating wwf). maraming trivia ang mababasa ninyo dito tungkol sa wrestling. alam ko marami ang magre-react na peke naman ang sakitan sa wrestling. may maliit na punto naman kayo sa aspetong ito ng inyong paniniwala. pero ganito na lang ang isipin ninyo. ang wrestling nga ay isang mahabang teleserye na may action, drama, romance, suspense rolled into one. sa teleserye, pag nagkamali ang artista, cut, take two. sa wrestling 'pag nagkamali sila, bodies shattered, necks broken, careers ended ang resulta. saan ka pa? sa mga naniwala noon na namatay si ultimate warrior dahil nabalian ng ugat, click na. tenkyu nga pala kay vhyn for the link.
===========
commercial. isang tao ang nagtetext sa kanyang cellphone. sinasabi sa background ang tungkol sa pagkonekta sa mga tao. tapos, pinakita ang napakaraming tao na nagtetext, nagbabasa o basta nakatingin at hawak ang kanilang cellphone. padami ng padami ang taong pinakikita na may cellphone. tapos, isang babae ang nakabunggo sa lalaking may cellhpone. nagkatinginan sila. ngumiti. ang advertisement -> closeup toothpaste. creative 'di ba? all the while, akala ko eh tungkol sa cellphone ang patalastas.
===========
at ang nagpasaya sa birthday ko? ang regalo sa akin nang mag-ina ko. si papa bear, si mama bear at si baby bear. ay, ang sweeeet.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home