Monday, May 22, 2006

kuwentong linggo

masamang tao o mabait na ama?
sunday. natutulog si yahoo (baby ko). inuugoy ko sa duyan habang nagbabasa ng diyaryo. maya-maya, kumahol si bruno (aso ko). may dalawang babae kasi sa gate. tinatangkang buksan 'yung gate pero nagdalawang isip nung marinig ang kahol ng aso ko. dinungaw ko. nung makita ako ay tinanong kung pwede daw ba silang pumasok. mga member sila ng isang religion na nagbabahay-bahay para manghikayat ng bagong miyembro, mag-share ng words of god at humingi ng kaunting donation para sa pamphlet na pinamimigay nila.
"pass muna," sabi ko.
nagpumilit pa din sila. sandaling oras lang naman daw.
"nagpapatulog ako ng bata. 'pag pinapasok ko kayo, magkakakahol lalo itong aso ko at magigising ang baby ko," paliwanag ko.
kahit doon na lang daw sa gate namin. sandali lang naman daw.
"hindi ko maiiwan baby ko dito sa loob ng bahay. walang ibang magbabantay. pass muna," pakiusap ko.
ayaw pa din umalis sa gate. kung hindi nga lang kumakahol ang aso ko eh baka buksan na talaga nila 'yung gate at tuluyang pumasok.
kahol ng kahol ang aso ko pero nagpupumilit pa din silang tumuloy. baka magising na si yahoo kaya naisip ko na payagan na silang pumasok.
sabi ko, "bahala kayo kung gusto ninyong tumuloy pa din."
tapos, pinakawalan ko si bruno.
====================
si manong
sunday. hapon. nagpunta ako sa isang sangay ng mercury drugstore. sinulat ko na 'yung bibilhin ko sa papel para aabot ko na lang sa pharmacist. tapos inabot ko na nga. at tinignan niya sa database kung available.
"wala pong cherry-flavored, strawberry lang po," sabi niya sa akin.
"ok lang," sagot ko.
"78.25 po," sabi niya.
inabot ko ang bayad.
noong umalis na siya. bigla akong kinausap ni manong na nasa tabi ko.
"ano 'yan isang buong kahon? mahal na pala ang condom ngayon no?" sabi ni manong.
"tempra po ang binibili ko," sagot ko.

3 Comments:

Blogger sikro ay nagwika na...

kung di ako nagkakamali mga misyonaryo ng JEHOVAH'S WITNESSES ang napadpad sa inyo dre ano?walastik sa susunod naman kasi dapat itong mga misyonaryo na ito humingi ng skedyul na dadalaw para hindi makaabala ,hindi masama ang dala nyong mensahi pero masama ang nakakaabala mga SISTERSSSS!!!at kay MANONG naman walastik hindi lang po condom ang may strawberry flavor LOL!!

10:50 PM  
Blogger denster ay nagwika na...

hehehe. salamat sa pagbisita sikro.

9:19 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

hello!! tinry ko i-download ung album ng itchyworms from ur blog, pero expired na daw due to inactivity sabi ng megaupload? pwede pa email na lang kung ndi masyadong hassle? tapos paki sama na rin ung album ng up dharma down. maraming salamat po. sana madami kang free time! hehe

kikayfetz@yahoo.com

ps
ganda naman ng hair mo, sana ganyan din ka balik-ayos ung sa kin.

10:36 AM  

Post a Comment

<< Home