Tuesday, May 30, 2006

warcraft dota vs. nba live 06



- isang in-depth analysis kung warcraft dota ba o nba live 06 ang magandang laruin sa pc.
basic ->
dota (defense of the ancients) = sa title pa lang eh alam mong merong kinalalaman ito sa pag-depensa. pero siyempre, may opensa din na dedepensahan. sa laro, may dalawang kampong magkaaway sa magkasalungat na sulok ng mapa - ang scourge at sentinel. may tatlong lanes na dadaanan na may tig-da-dalawang tower bawat kampo. dito magdadaan ang mga scourge at sentinel hanggang magtagpo sila at magpatayan. ang isang player ay pipili ng kanyang hero para sumali sa patayang ito at tulungan ang kampo mo na manalo. habang naglalaro, nandoon ang iba't ibang item na puwede mong bilhin para lumakas ang hero mo. bawat hero ay may kanya-kanya ding unique na kapangyarihan.
nba live 06 = basketbol. may depensa at opensa din siyempre. ang dalawang kampo na magkalaban dito ay ang home at away team. ang isang player ay pipili ng isang team na gagamitin para makipaglaban sa isa pang team. ang team na may pinakamaraming puntos na magawa ang mananalo siyempre. bawat star players ng team ay may kanya-kanya ding unique na superstar move.
round 1. ilan ang puwedeng maglaro?
dota = hanggang sampu ang maximum na puwedeng maglaro (5-on-5). puwede ka maglaro mag-isa at kalaban mo ay computer. ang ideal network game ay unlimited. maraming combinations ang puwede (1player vs cpu, 1player vs 2cpu, 1player vs 1player, 1player vs 2players, etc... - need i say more?)
nba = hanggang sampu ang maximum na puwedeng maglaro (5-on-5). puwede ka maglaro mag-isa at kalaban mo ay computer. ang ideal network game ay 1-on-1. isang player ang magko-control per team (puwedeng computer ang isang team). kung dalawa o higit kasi ang magko-control per team ay hindi advisable dahil maaaring sugapain ng isang player ang bola at hindi na pasahan ang kakampi niya.
dota 1 - nba 0
round 2. ilan ang puwedeng pagpilian?
dota = maraming heroes ang puwedeng pagpilian. bawat isa ay may unique na kapangyarihan. nagkakaroon ng updates kapag may bagong hero na idadagdag. bawat laro ay posible ang iba't ibang combination ng heroes na maglalaban at magiging magkakampi.
nba = 30teams ang puwedeng pagpilian. bagama't ang isang team ay kadalasang may 15players, 3 naman dito ay nasa reserved list lang at 5 lang ang puwede mong ipasok sa laro. nagkakaroon ng updates kapag may bagong player na idadagdag. kung gusto mong iba't ibang combination ng players ang maglalaban at magiging magkakampi, dapat mong baguhin ang roster kada laro. ma-trabaho.
dota 2 - nba 0
round 3. gaano katagal ang isang laro?
dota = depende sa talent ng players ng magkalabang kampo. puwedeng matapos agad o puwedeng abutan ka ng pagsasara ng computer shop.
nba = pwede mo i-set ang bilang ng minuto kada quarter (range: 2-12 minutes per quarter). advantage ito para matantiya mo ang oras ng iyong pagtigil.
dota 2 - nba 1
round 4. quality
dota = maganda ang graphics. maraming mapa ang puwedeng paglaruan. maraming heroes ang puwedeng pagpilian. hindi papangit ang graphics kahit sa laptop.
nba = maganda ang graphics. maraming court ang puwedeng paglaruan. maraming players ang puwedeng pagpilian. pumapangit ang graphics sa laptop ni charles.
dota 3 - nba 1
round 5. longevity
dota = may bagong mapa at heroes via patch updates. pero kahit walang bagong mapa at hero, sa dami ng iba't ibang combination na puwedeng gawin sa laro, hindi ka agad magsasawa. kung lagi kang nananalo, maghahanap ka pa ng mas malakas na hero na makakatapat. kung lagi lang natatalo, maghahanap ka ng hero na aakma sa style mo para manalo ka naman.
nba = may bagong courts, jerseys, players, atbp. via patch updates. magsasawa ka agad dahil paulit-ulit lang ang player moves na magagawa mo 'pag tagal. kung lagi kang nananalo, magsasawa ka na. kung lagi kang natatalo, magsasawa ka din.
dota 4 - nba 1
round 6. anonymity level
dota = kapag nasa lrt kayo at nag-uusap tungkol sa dota, bibihira ang makaka-relate kaya walang makikialam sa kuwentuhan ninyo. walang ke-keso.
nba = kahit nasaan kayo at nag-usap kayo ng tungkol sa nba, alam nilang basketbol ang pinag-uusapan ninyo. maraming puwedeng makisabat. baka may magsabi pa sa'yo kung sino nanalo sa laro kaninang umaga eh ayaw mo pa naman malaman para maganda ang nood mo ng replay.
dota 5 - nba 1
round 7. skills development
dota = maraming skills ang ma-e-enhance mo sa larong ito. tamang judgement sa pagpili ng tamang combination ng heroes, ng item na bibilhin, at build ng hero. gagaling ka din sa math dahil magkukuwenta ka ng pera mo dito kung enough na ba para mabili mo ang isang item. makakatulong din ito sa memory mo dahil kakabisaduhin mo ang mga bibilhan mo ng items. magiging alerto ka dahil bukod sa nakatingin ka sa kalaban mong kaharap mo eh titignan mo din ang buong mapa para sa iba pang kalaban na aali-aligid. matututo ka mag-research para mapag-aralan ang hero mo at ang hero ng kalaban. bibilis ang pindot mo sa keyboard at click mo sa mouse. bibilis ka mag-ALT+TAB kapag may guwardiya o bossing na paparating.
nba = bibilis ang pindot mo sa keyboard. bibilis ka mag-ALT+TAB kapag may guwardiya o bossing na paparating. kahit gumaling ka magbasketbol sa larong ito eh hindi mo maa-apply sa totoong buhay.
dota 6 - nba 1
round 8. watching or playing?
dota = maraming nakakapaglaro, iilan ang nanonood. maraming nag-e-enjoy. konti ang na-i-inggit.
nba = isa ang naglalaro, madaming miron. konti ang nag-e-enjoy. maraming pedeng magsumbong sa'yo sa misis/gf mo.
dota 7 - nba 1
round 9. significant other
dota =
gf/misis: bakit ka ginabi?
ikaw: nag-dota kami sa office eh.
gf/misis: ah, okay. kumain ka na ba? bagong ligo ako ngayon.
nba =
gf/misis: bakit ka ginabi?
ikaw: nag-nba ako sa office eh.
gf/misis: punyetang nba 'yan. nba na sa office, nba pa panonoodin dito sa bahay. puro nba na lang. grrrr $#!*%
dota 8 - nba 1
round 10. after effect
dota = normal na nilalaro sa opisina ng dalawa o mahigit na katao kaya mabubuo ang camaraderie at teamwork. masarap pa magkuwentuhan 'pag pauwi na kayo.
nba = normal na nilalaro sa opisina ng dalawa o mahigit na katao pero kanya-kanyang laro. hindi makaka-relate ang isa't isa kung mag-uusap na sila tungkol sa game nila individually.
dota 9 - nba 1
dota wins. dota owning. dota killing spree. dota godlike.
kaya ano pa ang hinihintay mo charles? gumawa na ako ng installer para makapag-install ka na sa laptop mo. sali na!!!

Monday, May 22, 2006

kuwentong linggo

masamang tao o mabait na ama?
sunday. natutulog si yahoo (baby ko). inuugoy ko sa duyan habang nagbabasa ng diyaryo. maya-maya, kumahol si bruno (aso ko). may dalawang babae kasi sa gate. tinatangkang buksan 'yung gate pero nagdalawang isip nung marinig ang kahol ng aso ko. dinungaw ko. nung makita ako ay tinanong kung pwede daw ba silang pumasok. mga member sila ng isang religion na nagbabahay-bahay para manghikayat ng bagong miyembro, mag-share ng words of god at humingi ng kaunting donation para sa pamphlet na pinamimigay nila.
"pass muna," sabi ko.
nagpumilit pa din sila. sandaling oras lang naman daw.
"nagpapatulog ako ng bata. 'pag pinapasok ko kayo, magkakakahol lalo itong aso ko at magigising ang baby ko," paliwanag ko.
kahit doon na lang daw sa gate namin. sandali lang naman daw.
"hindi ko maiiwan baby ko dito sa loob ng bahay. walang ibang magbabantay. pass muna," pakiusap ko.
ayaw pa din umalis sa gate. kung hindi nga lang kumakahol ang aso ko eh baka buksan na talaga nila 'yung gate at tuluyang pumasok.
kahol ng kahol ang aso ko pero nagpupumilit pa din silang tumuloy. baka magising na si yahoo kaya naisip ko na payagan na silang pumasok.
sabi ko, "bahala kayo kung gusto ninyong tumuloy pa din."
tapos, pinakawalan ko si bruno.
====================
si manong
sunday. hapon. nagpunta ako sa isang sangay ng mercury drugstore. sinulat ko na 'yung bibilhin ko sa papel para aabot ko na lang sa pharmacist. tapos inabot ko na nga. at tinignan niya sa database kung available.
"wala pong cherry-flavored, strawberry lang po," sabi niya sa akin.
"ok lang," sagot ko.
"78.25 po," sabi niya.
inabot ko ang bayad.
noong umalis na siya. bigla akong kinausap ni manong na nasa tabi ko.
"ano 'yan isang buong kahon? mahal na pala ang condom ngayon no?" sabi ni manong.
"tempra po ang binibili ko," sagot ko.

Wednesday, May 17, 2006

first philippine idol

sinamahan namin si hopee na hanapin ang roving truck ng philippine idol.


sa opisina ng philippine idol. audition time!!!


banner para kay hopee mula sa happy sauna bath (mapapansin na tadtad ng signature ang banner).

Thursday, May 04, 2006

parking perfection

kung nag-enjoy kayo sa dalawang laro (penguin at how fast are your reactions) na na-post dito previously, tiyak na mag-e-enjoy din kayo sa bagong larong ito na lumabas ulit sa internet. simple lang din pero masarap pag-trip-an laruin. para sa mga mahilig mag-drive.

note na uulit-ulitin: ang mga eksenang matutunghayan ay naganap after office hours. promise.

ang main screen ng laro (nasa bandang ibaba ang controls):


unang misyon:

ikalawang misyon:

ikatlong misyon:

huling misyon:

kapag success:

kapag hindi, balik sa umpisa:

pagkatapos mong malagpasan ang apat na pagsubok, ito ang lalabas sa screen mo. ito ang kailangan mo i-print screen at ipadala sa akin:

ngayon kung mukhang exciting ang larong ito, click mo ito para makapaglaro ka na din:
click mo ako

kung feeling mo eh mababa ang total time mo para ma-park ang apat na kotse, ipadala na ang iyong screenshot ('wag mo na pagpagudan dayain ang screenshot at wala namang premyo) sa densmallroom@yahoo.com kalakip ang codename mo at isang sachet ng creamsilk black (may laman) para sa aking pansariling gamit.

note ulit: hindi pa din ini-encourage ang screenshot na nagawa during office hours.

mga screenshots as of 7:30pm ng may 4, 2006:

umiskor si vyn ng 115.4:


umiskor si steve ng 95.3:

umiskor si denster ng 92.9:

umiskor si yengrc ng 87.6 (pinakamababang oras sa ngayon):

update!!! nag-email si vyn at ang bago niyang iskor ay 72.1:

how fast are your reactions?

kung nag-enjoy kayo sa larong penguin na na-post dito previously, tiyak na mag-e-enjoy din kayo sa bagong larong ito na lumabas din sa internet. simple lang din pero masarap pag-trip-an laruin.

note ulit: ang mga eksenang matutunghayan ay naganap after office hours. promise.

ang main screen ng laro:


biglang may lalabas na sheep mula sa kanyang flock tulad nito:

kung ma-click mo ang tranquilizer button habang tumatakas ang sheep, ganito ang mangyayari:

kung napaaga naman ang click mo, automatic 3.0 seconds ang ilalagay sa oras mo at ganito ang kalalabasan:

limang sheep ang kailangan mong tamaan ng tranquilizer. tulad nito:

pagkatapos ng limang sheep, ito ang lalabas sa screen mo. ito ang kailangan mo i-print screen at ipadala sa akin:


ngayon kung mukhang exciting ang larong ito, click mo ito para makapaglaro ka na din:
click mo ako

kung feeling mo eh mababa ang average time mo at mataas ang iyong rate, ipadala na ang iyong screenshot ('wag mo na pagpagudan dayain ang screenshot at wala namang premyo) sa densmallroom@yahoo.com kalakip ang codename mo at isang sachet ng creamsilk pink (may laman) para sa aking pansariling gamit.

note: hindi pa din ini-encourage ang screenshot na nagawa during office hours.

mga screenshots as of 6:12 ng may 3, 2006:

si denster na umiskor ng 0.1766:

misis ko na umiskor ng 0.162:

si yengrc na umiskor ng 0.149:

si rax na umiskor ng 0.138 (kasalukuyang pinakamababang average):

mag-trip ka na din at sumali!

update!!!! mga nag-e-mail ng iskor nila


iskor ni cris ay 0.2514 (taas pa nito dre):

iskor ni davidian® ay 0.1592:

humirit pa ang misis ko ng 0.1496:

Wednesday, May 03, 2006

past life analysis

who were you in your last life?
to know the answer, just click this link.
my past life diagnosis:
================
i don't know how you feel about it, but you were female in your last earthly incarnation. you were born somewhere in the territory of modern usa north-east around the year 975. your profession was that of a designer, engineer or craftsman.

my brief psychological profile in your past life:
================
seeker of truth and wisdom. you could have seen your future lives. others perceived you as an idealist illuminating path to future.

the lesson that my last past life brought to my present incarnation:
================
your lesson is the development and expansion of your mental consciousness. find a good teacher and spend a good part of your time and energy on learning from his wisdom.
do you remember now?
================
ah, kaya pala favorite ko ang color pink.

Tuesday, May 02, 2006

rants & raves: pulp summerslam vi

abril bente y nueve, alas kuwatro ng hapon, nasa loob na kami ng amoranto stadium sa qc para sa isang dumadagundong na rakrakan.

rants & raves:

inabot namin ang protein shake kasama ang viva hot babes. nagtanggal ng damit 'yung sa viva hot babes at nakipaghalikan sa vocalist ng protein shake. ganda tuloy ng banatan ng protein shake nung araw na iyon.

boogie sa lufhet ang sandwich. "sugod mga kapatid, tayo ay magsama-sama, iwagayway na ang bandera, rakenrol hanggang umaga!" nagsasayawan pa sila raimund, mong at diego sa stage. sunburn.

ang bamboo ang nagpagising sa crowd at nagbigay ng hudyat na gumagabi na.

galing pa din ng chicosci. may lalabas silang album, "666" ang title.

nagtaka ako na hindi masyadong nagkagulo ang crowd sa sugarfree tulad ng mga naunang gigs nila na napanood ko. pero astig pa din ang bandang ito.

malupet ang set ng kamikazee. magaling talaga si jay makipag-bonding sa crowd. kuwelang banatan. tindi ng banat sa "sobrang init."

sa set ng 6 cycle mind ay kumanta ng isang song si ara mina.

binato ang hale ng mga bote ng mineral water. bti na lang at may net sa stage. nung nagsawa na ang crowd na bumato sa kanila, 'yung crowd ang nagbatuhan ng bote na may lamang tubig, beer, buhangin at ang masaklap eh ihi na naging dahilan para magkaroon ng malaking empty space sa gitna ng crowd. ok sana tugtugan ng hale pero sa tingin ko eh hindi sila welcome ng crowd sa ganoong event.

sunod sa houndz, malupit din ang set ng urbandub. paborito ko ang "first of summer" nilang song. slam sin ang crowd sa kanila.

pinakamagandang set nung gabing 'yun ay ang sa greyhoundz (ewan ko 'yung mga hindi ko inabot at hinintay na set). 'pag sinabi ni reg na itaas ang lahat ng kamay, putcha, dulo-dulo ng amoranto, lahat ng tao nakataas ang kamay. pinakamarami ding nag-slam sa kanila. at ang lulupit ng binanatan nila, lalo na ang doble kara at apoy!!! malupit din 'yung nag-session sa kanila na bassist. nasabi ko bang babae 'yung bassist?

bakit nabibilang na sa kamay ang nag-slam sa slapshock? ayaw na ba sila ng crowd na dating nag-i-i-slam sa set nila? madami sa lugar namin ang nagsipag-upuan noong set na nila.
ok din ang sunflower day camp. reggae-ska-punk-slapstick-novelty combo. pero sayang at two songs lang ang pinatugtog sa kanila.

ang queso ang pinakaaabangang tumugtog nung gabing iyon sa aking sariling opinyon. linabas din nila sa event ang kanilang bagong album na self-titled queso. pero nagulat ako kung bakit hindi gaanong nag-slam ang crowd sa kanila na kagaya ng sa houndz. pero laht eh nakikinig sa kanilang tugtugan. baka dahil medyo mga bago 'yung iba nilang binanatan. pero kaya ko nasabing sila ang pinakaaabangan ng crowd na tumugtog nung gabing iyon, ay dahil, nang matapos ang set nila, uwian na ang karamihan sa crowd.

pahabol na hirit: si julia clarete, 'yung host sa eat bulaga, mura ng mura sa stage. binabato kasi siya ng bote na may tubig at hindi niya tuloy matapus-tapos 'yung pagbasa ng mga sponsors ng show.
para sa mga pictures, click mo ito.