Tuesday, May 02, 2006

rants & raves: pulp summerslam vi

abril bente y nueve, alas kuwatro ng hapon, nasa loob na kami ng amoranto stadium sa qc para sa isang dumadagundong na rakrakan.

rants & raves:

inabot namin ang protein shake kasama ang viva hot babes. nagtanggal ng damit 'yung sa viva hot babes at nakipaghalikan sa vocalist ng protein shake. ganda tuloy ng banatan ng protein shake nung araw na iyon.

boogie sa lufhet ang sandwich. "sugod mga kapatid, tayo ay magsama-sama, iwagayway na ang bandera, rakenrol hanggang umaga!" nagsasayawan pa sila raimund, mong at diego sa stage. sunburn.

ang bamboo ang nagpagising sa crowd at nagbigay ng hudyat na gumagabi na.

galing pa din ng chicosci. may lalabas silang album, "666" ang title.

nagtaka ako na hindi masyadong nagkagulo ang crowd sa sugarfree tulad ng mga naunang gigs nila na napanood ko. pero astig pa din ang bandang ito.

malupet ang set ng kamikazee. magaling talaga si jay makipag-bonding sa crowd. kuwelang banatan. tindi ng banat sa "sobrang init."

sa set ng 6 cycle mind ay kumanta ng isang song si ara mina.

binato ang hale ng mga bote ng mineral water. bti na lang at may net sa stage. nung nagsawa na ang crowd na bumato sa kanila, 'yung crowd ang nagbatuhan ng bote na may lamang tubig, beer, buhangin at ang masaklap eh ihi na naging dahilan para magkaroon ng malaking empty space sa gitna ng crowd. ok sana tugtugan ng hale pero sa tingin ko eh hindi sila welcome ng crowd sa ganoong event.

sunod sa houndz, malupit din ang set ng urbandub. paborito ko ang "first of summer" nilang song. slam sin ang crowd sa kanila.

pinakamagandang set nung gabing 'yun ay ang sa greyhoundz (ewan ko 'yung mga hindi ko inabot at hinintay na set). 'pag sinabi ni reg na itaas ang lahat ng kamay, putcha, dulo-dulo ng amoranto, lahat ng tao nakataas ang kamay. pinakamarami ding nag-slam sa kanila. at ang lulupit ng binanatan nila, lalo na ang doble kara at apoy!!! malupit din 'yung nag-session sa kanila na bassist. nasabi ko bang babae 'yung bassist?

bakit nabibilang na sa kamay ang nag-slam sa slapshock? ayaw na ba sila ng crowd na dating nag-i-i-slam sa set nila? madami sa lugar namin ang nagsipag-upuan noong set na nila.
ok din ang sunflower day camp. reggae-ska-punk-slapstick-novelty combo. pero sayang at two songs lang ang pinatugtog sa kanila.

ang queso ang pinakaaabangang tumugtog nung gabing iyon sa aking sariling opinyon. linabas din nila sa event ang kanilang bagong album na self-titled queso. pero nagulat ako kung bakit hindi gaanong nag-slam ang crowd sa kanila na kagaya ng sa houndz. pero laht eh nakikinig sa kanilang tugtugan. baka dahil medyo mga bago 'yung iba nilang binanatan. pero kaya ko nasabing sila ang pinakaaabangan ng crowd na tumugtog nung gabing iyon, ay dahil, nang matapos ang set nila, uwian na ang karamihan sa crowd.

pahabol na hirit: si julia clarete, 'yung host sa eat bulaga, mura ng mura sa stage. binabato kasi siya ng bote na may tubig at hindi niya tuloy matapus-tapos 'yung pagbasa ng mga sponsors ng show.
para sa mga pictures, click mo ito.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home