isang nakakaiyak na kuwento

agad niyang inasikaso ang mga dapat tapusin ngayong araw. walang dapat masayang na oras. buksan agad ang mga pending loads. kitang-kita naman sa picture na taimtim siyang nag-a-analyze ng kanyang, err, desktop wallpaper.
trip lang. walang seryosohan.
ito ang pose nang isang taong sinulit at hinigitan pa ang walong oras na binigay ng kumpanya sa kanya para magtrabaho. sulit na sulit ang kanyang kumpanya sa kanyang dedikasyon at pagmamahal sa trabaho... para sa kanyang inang bayan.
nakikinig sa mga opinyon ng kanyang tauhan. lalo na kung tungkol sa pinoy big brother celebrity edition ang usapan. chill.
me: can you describe your first day as the acting oic in two words?
hopee: heavy men...
"hello! eto na! effective 'yung suggestion mo itay. isusulat na nung programmer ko 'yung mga porno sites na pinupuntahan niya. bumili ka na ng internet card at mag-dial-up tayo mamaya."
bilang pagkilala sa birthday ng isang kaibigan, despedida ng isa pang kaibigan, at sa kanyang pagkakaupo bilang acting oic, nanlibre si hopee sa tempura (applause).
uulitin ko. biruan lang 'to. walang seryosohan. trip lang. marami pang pictures. abangan. pakitignan na lang sa baba ang mga previous posts.
pag-upong pag-upo pa lang ay binuksan na ang kanyang laptop para magtrabaho, err, para mag-check pala ng e-mail.
nalaman niyang wala palang internet connection kaya pinaunlakan ang photographer (2megapixel pictures courtesy of rhael) na mag-pose sa kodakan.
gumagawa ng memo para ilegalize ang coffee break everytime na ika'y inaantok.
note: abangan ang iba pang pictures mamaya. (tignan sa baba ang unang patikim kahapon)
ps: joke lang ito ah. walang seryosohan. trip lang.