Friday, February 17, 2006

hopee - the acting oic in action

more pictures: hopee's first day as acting oic.
"oo. nandito na 'yung dalawang programmer ko. pinagagalitan ko na nga eh. walang kai-kaibigan sa'kin! wala ding kama-kamag-anak! bukas na bukas din eh itong dalawang ito ang pagbubuhatin ko ng tubig kapag wala ng laman 'yung dispenser. sige, babawasan ko na din ng 1point 'yung evaluation nila. at, oo, iba-block ko na din 'yung mga porno sites na ina-access nila." - hopee
"ikaw, tumayo ka lang diyan. hindi ka uupo hangga't hindi mo binibigay sa'kin ang listahan ng mga porno sites na pinupuntahan mo. ikaw naman, 'wag kang kakamot-kamot ng ulo diyan. walang pero, pero. wala akong pakialam kung saang lupalop ng mundo ka maghahanap. basta ihanap mo ako ng pirated cd ni manny pacquiao. 'yung may video at minus one ng 'para sa'yo ang laban na'to' ha?" - hopee
"hello. matigas 'tong dalawang ito eh. ayaw sumunod sa utos ko. ano? ah, maganda 'yang idea mong 'yan. sige, hindi ako magha-hire ng magagandang programmer simula ngayon. at ipagbabawal ko na din ang sleeveless at palda. at patatakpan ko na din 'yung butas sa cr ng mga babae. bwahahahaha. tignan ko lang kung hindi bumigay itong dalawang ito." - hopee
sa kabila ng kanyang hectic na schedule sa kanyang unang araw, nakuha pa ring paunlakan ng isang matamis na ngiti ang butihin nating photographer.

me: can you describe your first day as the acting oic in two words?

hopee: heavy men...

"hello! eto na! effective 'yung suggestion mo itay. isusulat na nung programmer ko 'yung mga porno sites na pinupuntahan niya. bumili ka na ng internet card at mag-dial-up tayo mamaya."

bilang pagkilala sa birthday ng isang kaibigan, despedida ng isa pang kaibigan, at sa kanyang pagkakaupo bilang acting oic, nanlibre si hopee sa tempura (applause).

uulitin ko. biruan lang 'to. walang seryosohan. trip lang. marami pang pictures. abangan. pakitignan na lang sa baba ang mga previous posts.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home