Tuesday, February 21, 2006

ikalawang araw ng paninilbihan

note: ang lahat ng inyong masasaksihan ay pawang trip lang. walang seryosohan. bawal tumingin ang pikon.
umagang-umaga pa lang ay nirerepaso na niya lahat ng pending na paper works na naiwan nung huwebes.
hinawakan agad ang kanyang lapis para i-edit ang mga error sa grammar ng mga leave form na natanggap niya.
pose muna.
kahit problemang personal tulad ng problema sa babae, sugal, alak, sigarilyo at kung anu-ano pang bisyo ay pwede mo ding ikonsulta kay hopee.
may autograph signing pa.
bago matapos ang araw ay kitang-kita mo naman sa kanya ang sobrang dedikasyon sa trabaho. pilit pa ding tinatapos ang lahat ng puwedeng tapusin na trabaho...para sa kanyang bayan.

ito ang pose nang isang taong sinulit at hinigitan pa ang walong oras na binigay ng kumpanya sa kanya para magtrabaho. sulit na sulit ang kanyang kumpanya sa kanyang dedikasyon at pagmamahal sa trabaho... para sa kanyang inang bayan.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home