Tuesday, February 21, 2006

more pics re:first day funk

note: ilang beses ko na ding nasabi na ang mga larawan ni hopee at ilang mga kaopisina na nai-post dito ay pawang biruan at trip lamang. walang seryosohan.
ang isang good leader ay masayahin at game makipagtawanan - kahit hindi na-meet ng programmer ang kanyang deadline, nakangiti pa din niya itong haharapin.
a good leader is a good follower. kita mo, tumalikod lang siya at lahat ay tumalikod din sa camera.
ang good leader ay handang ibigay sa iyo ang nararapat sa iyo ng may tamang paggalang. kung hindi mo na-meet 'yung deadline, eh itutupi pa niya ang termination paper mo para hindi kahiya-hiya sa makakakita na iba.
ang good leader ay handang makinig sa paliwanag mo para maintindihan niya kung bakita nagagalit ang kliyente sa'yo. hindi siya magiging biased sa kanyang desisyon. hindi ka nga lang niya pauupuin habang nagpapaliwanag.
ang isang good leader ay maasikaso sa lahat ng kaya niyang pagserbisyuhan. mamamayan muna at hindi mamaya na. kliyente ang kausap niya diyan sa telepono. promise.

nakikinig sa mga opinyon ng kanyang tauhan. lalo na kung tungkol sa pinoy big brother celebrity edition ang usapan. chill.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home