taun-taon, sa isang malaking kumpanya sa makati, nagaganap ang earthquake drill. dito masusubok ang bilis ng iyong pag-iisip at pagkilos 'pag may ganitong trahedya. dito mo magagamit ang skills na natutunan mo sa kakalaro ng "need for speed: most wanted", "counter-strike", "nba live 06" at "dynomite".
mag-uumpisa ito sa isang "warning signal" na parang ambulansiya. ilalabas mo ngayon ang cellphone mo at aakalain mo na may nag-text lang. pero wala naman. malalaman mo na lang kung saan nanggagaling ang nakakarinding tunog kapag nagsalita na ang voice over. sasabihin niya nga na ito ay isang "earthquake drill". tapos noon, repeat announcement naman. at malaki ang chance na iyon din ang sasabihin ng mahiwagang voice over ni kuya.
ang ilan ay nagtatago sa ilalim ng kani-kanilang cubicle. 'yung iba naman eh tinatawagan ang mga mahal nila sa buhay. 'yung iba eh kitang-kita mo sa mukha ang pag-aalala at pagpapanic. 'yung iba eh nag-uusap pa din tungkol sa pinoy big brother teen edition ("ganda ni niña at ni jamilla, pare.", "oo nga pare, pero si matthew ang type ko.").
tapos papasok ang isang security agent sa inyong opisina at iga-guide kayo kung saan dapat dumaan para makaligtas sa "earthquake". kunwari sira na ang lahat ng elevator. kunwari paguho na ang building. kunwari nagbrownout na. kunwari nagdisconnect na ang yahoo messenger mo. kunwari magugunaw na ang mundo. at ang habilin ng agent eh, dapat dahan-dahan ang kilos at kalmado. lahat ng empleyado ng building eh dadaan sa hagdan pababa ng building. swerte ka kung sa 2nd floor ka lang. konting lakad lang eh ligtas ka na sa "earthquake". eh paano kung nasa 11th floor ka? tapos, kalmado pa ang lahat na naglalakad na tipong naka-fall in line pa? matatagalan bago ka makababa para mailigtas sarili mo sa "earthquake".
ewan ko lang kung ganito pa din kakalmado ang mga empleyado kapag totoong earthquake na. parang wala pa akong nakita o nabasa na balita na nagsabing, "newsflash: mga empleyado ng isang kumpanya, nakaligtas sa earthquake: dahan-dahan silang naglakad sa hagdan pababa ng building" makuha pa kaya nilang bumaba ng malumanay at naka-fall in line? at nagkukuwentuhan pa? at tungkol sa pinoy big brother teen edition pa? gumana pa kaya ang mga "warning devices" sa mga oras na iyon? makuha mo pa kaya mag-signoff sa ym? magkatuluyan kaya sina paolo bediones at ethel booba? eh, si niña at gerard?
sana ay may napulot kayong mga tips kung paano makaligtas sa ganitong sakuna. ako, ilang beses na ako nakapag-earthquake drill at lagi akong nakakalabas ng building namin na safe. kaya't siguradong panis na sa akin kung biglang magka-earthquake habang nasa 11th floor ako. malilito lang ako ng kaunti kapag nasa 2nd floor ako, pero makakaligtas din ako. basta't sundin ko lang ang mga natutunan ko tuwing may earthquake drill dito sa amin.
eksena sa labas ng building habang nagaganap ang earthquake drill.
eksena sa labas ng building. malapit na matapos ang earthquake drill.
eksena sa labas ng building. tapos na ang earthquake drill. lunch time na!!!!
sana'y walang nasaktan sa naganap na earthquake drill. dahil sabi nga ng isang ka-opisina, "earthquake prevention month" daw ngayon.
postscript: salamat nga pala kay rhael para sa pictures. si rhael nga pala ay nalagay na sa guinness book of world earthquake drill records dahil siya ang huling-huling lumabas ng building.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home