Wednesday, March 08, 2006

over the weekend -->

--> nakapanood ako ng isang patalastas kung saan eh nakikipag-usap ang isang matandang babae sa cellphone at tawa siya ng tawa. noong papatapos na 'yung patalastas, biglang tinanong nung babae 'yung kausap niya ng "who is this?" at ako naman ang tawa ng tawa. ewan ko kung bakit.
--> naturuan ko na si yahoo magmano. "bless, yahoo, bless". at natuto naman siya. pero sa akin lang siya nagmamano. 'pag ibang tao eh tinutulak niya ang kamay. kaya 'pag ibang tao, ang command ko na lang sa kanya ay, "push, yahoo, push".
--> nagumpisa na ako mag-ayos ng mp3s ko sa aking external harddisk. nung linggo, ang bilang ng mp3 na naayos ko ay 2,262 (ang kabuuang listahan ng lahat ng mga kanta ko ay makikita niyo dito, pero hindi pa ngayon). ito ay aabutin ng 6.5 na araw kung non-stop patutugtugin. ito din ay kumain ng 9.44gb sa harddisk ko. kaya matagal ang proseso ng pag-aayos ko ng mp3 ay sa kadahilanang nilalagyan ko ng laman ang "file info" ng bawat track. title, artist, album, genre, year, track number, total number of tracks, composer, copyright, at kung kasama ba siya sa isang compilation. kung wala akong makuhanan ng info, hangga't maaari ay nalalagyan ko ng laman ang unang apat na fields. ang pamatay dito ay nilalagyan ko na din ng image (jpeg or bitmap) ng album cover ang mga kanta (basta may kopya ako ng album cover). nakakatuwa tuloy i-play sa itunes at kahit sa media player kapag naka-display 'yung album cover ng song. pero ako lang yata ang natutuwa. misis ko eh walang reaction except nung si "nina" na ang nakita niyang picture.
--> napanood ko ang romantic-comedy na "just like heaven" ni reese witherspoon at mark ruffalo. ok din 'yung movie. parang light version ng "ghost" bagama't opposite ang naging ending nila at medyo magkaiba talaga ang takbo ng dalawang pelikula. naikumpara ko din ito sa pelikulang "sweet home alabama" sa kadahilanang parehong bida sa dalawang pelikula si reese at parehong nag-umpisa ang dalawang pelikula sa "dream sequence" ni reese. next stop: "if only" ni jennifer love hewitt at "must love dogs" ni idol john cusack kasama si diane lane.
--> napakinggan ko ang bagong album ng siakol na "kabilang mundo". medyo nag-improve sila sound-wise. galing na ni miniong. nandoon pa din ang simple yet witty na type ng lyrics sa bawat kanta. expected ko nga lang ay ibang lyrics ang maririnig ko sa panibagong tama na version nila ng "lakas tama". same lyrics din pala. dinagdagan lang ng rap in between stanzas at chorus. naalala ko tuloy ang mga simple yet witty na lyrics na nagpabilib sa akin dati.
- "tinig ko'y 'di mapakinggan, kilos ko'y 'di masabayan, doon sa isang tasang sabaw, doon sa isang naluging sinehan" - from "mga langaw" by "grin department" sa album nilang "fuego!" (galing ng pagkakalarawan sa langaw. parang lahat kayang sabihin ang ganito tungkol sa langaw pero nakuha nilang i-summarize ang lahat ng overheard mutterings na ito tungkol sa langaw sa linyang ito ng song.)
'yung buong lyrics nang sugarfree song na "burnout". talagang simple yet witty ang pagkakasulat. "o wag kang tumingin ng ganyan sa akin. 'wag mo akong kulitin, 'wag mo akong tanungin. dahil katulad mo ako din ay nagbago. 'di na tayo katulad ng dati, kaybilis ng sandali. o kay tagal din kitang minahal. kung iisipin mo, 'di naman dating ganito, teka muna, teka lang, kailan tayo nailang. kung iisipin mo, 'di naman dating ganito. kaybilis kasi ng buhay, pati tayo natangay. o kay tagal din kitang minahal. tinatawag kita, sinusuyo kita, 'di mo man madinig, 'di mo man madama. o kay tagal din kitang mamahalin" (na-experience ko kasi 'yung entire song sa isang ex kaya siguro malakas ang impact ng song na ito sa akin.)
at eto pa,
- "mama para diyan lang sa tabi, diyan lang sa tabi ngunit bakit 'di ko masabi, bakit 'di ko masabi na ako ay bababa, ako ay bababa 'pag bumaba na ang aking tama" from "biyaheng impiyerno" by "siakol" sa album nilang "tayo na sa paraiso" (natuwa ako na ang ending ng bawat lines ay beginning ng susunod na line.)
at ngayon naman eh,
- "kaluskos ng dahon, huni ng mga ibon, malayo sa dilim ng kahapon, hampas ng mga alon, kasiyahan sa nayon, mga batang naglalaro lang maghapon, simoy ng hangin, sari-saring tanawin, paligid na iyong tatahakin, pagka't walang sawa kitang aarugain, sa paraisong kinalalagyan natin" from "gabay" by "siakol" sa bagong album na "kabilang mundo" (parang na-visualize ko 'yung lugar na tinutukoy niya.)
--> plinano kong tapusin ang monthlyperiod!fanzine issue 8,10 at 11 para mailabas ko na. pero na-realize ko na isa pala sa kasamang nabura sa external harddisk ko eh 'yung source code ko ng fanzine. start from scratch ang drama ko.
--> naisip ko bago matulog nung linggo na, "hmm, mukhang magandang isama sa blog ko ang mga nangyari ngayong weekend ah." 30

0 Comments:

Post a Comment

<< Home