Tuesday, April 18, 2006

blogblogan na!!!

ano ba ang latest?

- latest picture nang bonding naming mag-ama.

- latest na listahan ko ng palabas na meron ako sa bahay. puwede manghiram basta overnight lang. sunod ko na dito 'yung mga rebyu para masaya.

- latest na listahan ko ng mga bago kong mp3 sa aking external harddisk. kung may gusto kayong kanta sa aking songlist eh mag-post lang kayo ng comment at ilakip ang inyong email address at gagawan natin ng paraan. sunod ko na din 'yung rebyu para mas masaya.

- latest addition sa mga blogs ko - me & my ten lost lines at life outside my cubicle. sunod pa 'yung "me & my ten lost pages" at "me & my ten lost pixels".

- latest joke sa buhay ko. kahapon (lunes), habang nakatayo ako sa loob ng lrt, biglang may kumalabit sa akin at ang sabi eh, "miss, may bakanteng upuan dito o." pagharap ko, nagkatawanan na lang kami. sabi niya, "ay sorry, 'kala ko babae...". isa lang ibig sabihin nito -> ang ganda ng hair ko!!!

- latest sa showbiz - si christian bautista at rachel ann go na daw!!!

======================

- latest shock and awe ng buhay ko -> sa buwan ng march eh nakakuha ako ng 17 na number of tardiness (late) na umabot sa total na 6hours and 56minutes. ang maganda dito eh 20 working days lang ang march. kaya niyo 'yan?

2 Comments:

Blogger lee_05 ay nagwika na...

- latest joke sa buhay ko. kahapon (lunes), habang nakatayo ako sa loob ng lrt, biglang may kumalabit sa akin at ang sabi eh, "miss, may bakanteng upuan dito o." pagharap ko, nagkatawanan na lang kami. sabi niya, "ay sorry, 'kala ko babae...". isa lang ibig sabihin nito -> ang ganda ng hair ko!!!

sobrang natawa ako dito denster! ganda talaga ng hair ng lolo ko! nyahahahaha!

10:19 AM  
Anonymous Anonymous ay nagwika na...

- latest shock and awe ng buhay ko -> sa buwan ng march eh nakakuha ako ng 17 na number of tardiness (late) na umabot sa total na 6hours and 56minutes. ang maganda dito eh 20 working days lang ang march. kaya niyo 'yan?

-->> buti ka nga may natira pang 3 days na nde late.. ako everyday late! buti na lang mabait ang TL ko! ^_^

6:49 PM  

Post a Comment

<< Home