Saturday, December 10, 2005

web log


blog matapos ang mahaba-habang mental block: minsan, 'pag dumating ang unos sa buhay, sunud-sunod (when it rains, it pours 'ika nga). tapos, wala kang malapitan. padalus-dalos ka sa paggawa ng desisyon dahil wala kang mahingian ng payo. ang gulu-gulo ng pag-iisip mo. buti na lang, may mga outlet ka na mapagtutuunan mo ng ibayong pansin para panandaliang mawala ang lungkot, ang inis, ang sakit, ang problema. mapapayosi ko ulit. paulit-ulit. hithit. buga. umaasa na sana'y tangayin ng usok ang ang lungkot, ang inis, ang sakit, ang problema. tapos, balik ka sa paglilibang sa sarili mo. gawa ng kung anu-ano na mabusisisi at mapagtutuunan mo nang buong atensiyon. para hindi na ulit malungkot, mainis, masaktan, at mamrublema. ganito. ganito ang epekto. mental block. ayaw na lumabas ng tunay na ikaw. ayaw na marinig ang sinisigaw mo. ayaw na magsulat ng ballpen mo. ayaw na mag-on ng monitor mo. puro flashback na lang. nagre-replay sa isip mo. ang lungkot, ang inis, ang sakit, ang problema. ganyan. ganyan ang epekto. paulit-ulit-ulit-ulit (tulad ng blog na ito).
nakakapagod din ang mga nangyari. pero unti-unti, aahon ka din sa pagkakalunod. babangon ka din sa pagkakadapa. maaabot mo din ang makating parte ng likod mo. aayos din ang lahat. magsasawa din akong malungkot, mainis, masaktan at mamrublema. makikita ko din ang tunay na ako sa bawat sitwasyon. masasagot ko din ang mga sinisigaw kong hindi nadidinig. makakabili din ako ng bagong ballpen at monitor. makakapagsulat ulit ako ng blog. 'yun lang 'yun eh. wala ng mental block.

johnathan trager, prominent television producer for espn, died last night from complications of losing his soul mate and his fiancee. he was 35 years old. soft-spoken and obsessive, trager never looked the part of a hopeless romantic. but, in the final days of his life, he revealed an unknown side of his psyche. this hidden quasi-jungian persona surfaced during the agatha christie-like pursuit of his long reputed soul mate, a woman whom he only spent a few precious hours with. sadly, the protracted search ended late saturday night in complete and utter failure. yet even in certain defeat, the courageous trager secretly clung to the belief that life is not merely a series of meaningless accidents or coincidences. uh-uh. but rather, its a tapestry of events that culminate in an exquisite, sublime plan. asked about the loss of his dear friend, dean kansky, the pulitzer prize-winning author and executive editor of the new york times, described johnathan as a changed man in the last days of his life. "things were clearer for him," kansky noted. ultimately johnathan concluded that if we are to live life in harmony with the universe, we must all possess a powerful faith in what the ancients used to call "fatum", what we currently refer to as destiny. (serendipity)

abnkkbsnpl ako: holyblood, holygrail mula sa sumulat ng librong messianic legacy na sila michael baigent, richard leigh at henry lincoln.

ayoko ng mag-iskwela, ayoko ng magsimba, ayoko na magbanda, ayoko ng huminga.... gusto ko lang mag-basketbol.... (basketbol - rivermaya)

workload: patching ng pba live 06 (all-star court, screens, database, backgrounds), magsunog ng pelikula

download: pba player portraits, pba pictures, softwares, tutorials (para sa pba live 06)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home