Tuesday, July 05, 2005

mahiwagang padyak

isang mahiwagang padyak lang at magiging mas masaya pa ang araw mo. alam ko 'yun.
sa saliw ng awiting hindi nakakasawang pakinggan
mangingiti ka at mapapakanta
at maalala mo sana ang masasayang alaala

isang mahiwagang padyak lang at nalilimot ko ang kalungkutan. alam ko din 'yun.
sa saliw ng awiting paulit-ulit ko ding pinakinggan
nangingiti din ako at napapakanta
at naaalala kita, at siyempre, masaya

isang mahiwagang padyak lang at maiiba ang mundo
malilimot pansamantala ang problema
magbabalik ang mga kuwentuhan dati na sadyang masaya
magbabalik ang alaala kung paano ito nawala

isang mahiwagang padyak lang at magbabalik na uli sa tunay na mundo
babalik ang mga maliliit na problema
malilimot pansamantala ang mga kuwentuhan dati na sadyang masaya
malilimot pansamantala ang alaala kung paano ito nawala

paano kung tumigil na ang mahiwagang padyak?
paano kung matapos na ang kanta?
kung ito'y maluma na at tuluyang malaos na?
malilimot na din ba ang isang masayang ala-ala na pinapaalala sa'yo ng kanta na iyong naririnig ngayon?
malilimot na ba ako?
at malilimot ko na ba ang ikaw?

sana'y hindi
sana'y hindi matapos ang alaala ng isang mahiwagang padyak
maaaring hindi na maulit ang kuwentuhan, maaaring hindi ko na mahawakan ang iyong kamay kailanman,
maaaring hindi na tayo makapagsayaw pa, maaaring matapos na ang kanta
but by god, hindi mawawala ang mahiwagang padyak
- sscfp